The following day, na discharge na si Kimberly sa hospital, bagama't binigyan siya ng instructions na ipagpatuloy ang pag-inom ng gamot para iwas- infection. Masayang-masaya ang kambal ng makita nila ang kanilang ina. "Mommy!" hindi magkamayaw ang dalawang bata sa pagyakap at paghalik sa kanilang ina. "You are so beautiful, Mommy..."sabi ni Sophia Hailey habang hinawakan ang mukha ng kaniyang ina. "Hindi mo na ba kami iiwan, Mommy?" Malambing na tanong ni Elijah Benjamin. Sa living room ng mansion ay sinalubong na ng kambal ang kanilang ina. Puro tango naman at iling ang sagot ni Kimberly sa kanilang mga katanungan. Hindi siya makapagsalita dahil umiiyak siya sa tuwa, sa wakas makakasama na rin Niya ang kaniyang mga anak. Sa silid ng mga bata dumiretso si Kimberly. " Mommy, tab

