Balabac Municipality... "Hindi basta-basta ang sugat na kaniyang tinamo, iyon ang dahilan kaya siya tulala. Na trauma ang batang iyan." Sabi ni Mang Simon, Isang hilot na edad sisenta anyos mahigit, nakatira sa liblib na lugar ng Balabac. Ang pinakadulong bahagi ng isla. "Pero, natutuwa ako ng dumating siya sa buhay natin Simon. Tutal wala naman tayong anak. Aariin na lang natin siyang atin.." mungkahi ulit ni Aling Flordeliza ang asawa ni Mang Simon, Isa ring hilot na kaedad Niya. Sila ay lumikas mula sa sentro ng munisipal, nagpasya na manirahan sa Isang tago at liblib na bahagi ng Balabac. Dahil sa kanilang itinuturing na propesyon bilang mga hilot, naisipan nila ang maglagi sa kagubatan. Marami ang mga tanim na mga halamang gamot na ginagamit ng mag-asawa sa kanilang pa

