Kimberly's POV Sa pagdaan ng mga araw at buwan naging bilanggo muli ako ng mansion. Bumalik ang dating pakikitungo ni Charles sa akin. Hindi na siya pumapayag na makalapit ako sa aking mga anak, gumagamit na siya ng bottled milk para sa kambal. Tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko. Noong una, pumapayag siya sa set up na gagawin akong yaya sa aking mga anak, alam Kong masakit, sobrang sakit iyon. "Kung ayaw mo sa ganong set-up, maaari ka ng umalis sa mansion. And if you dare to cross me by telling the cops, do it." he smirked. Alam niyang hindi ko magagawa ang magsumbong sa mga pulis dahil hanggang ngayon hostage pa rin Niya ang mga magulang ko. At kaya matapang ang kaniyang loob na palayain na ako sa aking pagkakulong ay dahil alam Niya na hindi ako aal

