Natutuwa SI Kimberly dahil Isang linggo na niyang hindi nakikita si Rica. Masama ang vibes Niya sa babaeng iyon. Nagagalit ito kapag makita siya ng yaya ng kambal. Sa loob ng apat na taon may pagkakataon na sumagi sa isip niya na may nangyayari sa kanila ni Charles dahil sa ipinakita nitong lambing sa asawang si Charles. Ngunit sa kabilang banda, mas malakas ang kutob Niya na sa isip lang Niya ang lahat. Walang namagitan sa kanila ni Charles dahil siya ang pinuntahan ni Charles gabi-gabi habang nakakulong siya. Nang tuluyan na siyang pinayagan ni Charles na makapiling ang kanilang mga anak ay gusto niyang paalisin ni Charles si Rica. " She's not a good influence on your kids." paalala ni Kimberly Kay Charles. "Why?" Charles Antonio was amused. She thought his wife is jealou

