Minerva Graspela's POV (Mother of Cristina and Jerald) Kagad kaming napa-sugod sa Palasyo nang mabalitaan namin na nakarating na sa Land of Time ang mga anak namin. Kasalukuyan na nga kaming nakatunghay sa harap ng pond kung saan nakikita namin ang ginagawa nila Cristina na kasalukuyan na ngayong nagsisimula sa pagte-training. Bilib ako sa tapang at pagpupursige nilang matuto kung kaya't hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko-namin dahil kahit mukhang pagod na sila ay panay pa rin ang tawanan nila at kantiyawan sa pangunguna ng anak kong si Jerald. "Ang saya nilang panoorin, parang hindi humaharap sa matinding pagsasanay." Sambit ng Reyna kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi na kataka-taka iyon dahil noon pa lamang ay ganiyan na ang mga 'yan, kahit mga problemado o 'di kaya'y mga busy

