Ronalyn Carrascal's POV (President of Student State and an Illusionist) My heart thumped when we showed up in front of the closed doors of the throne room. May kahigpitan pa rin ang kapit sa akin ng dalawa kung kaya't pumiksi na ako dito at sinamaan sila ng tingin dahil kanina pa sila panay ang tawa. "Nakita ninyo ba ang mga mukha nila noong lumitaw kami? HAHAHAHA grabe! Laptrip!" Sambit ng isa at humagalpak pa ng tawa. "Tangina ng mga 'yon. Akala mo mga nakakita ng multo e." Segunda naman ng isa pa. "Mas masahol pa kayo sa multo, baka nakakalimutan ninyo?" Puna ko naman sa kanila na kaagad na ikina-ngisi nila. "Asuss, pasalamat ka pa nga dahil dumating kami kaagad doon. Kung hindi ay baka nasa likod ka na ng rehas ngayon." Sagot ng isa. "Ang pagkakaroon ng connection sa mga katulad

