MASTER Cristina's POV Umikot ako at pasaksak na iniumang ang espada ko sa paparating na Darknian. Tumakbo rin ako at ginawang foothold ang pader para kumuha ng pwersa upang maitulak ang katawan ko papunta sa dalawang Darknian na papasugod dapat kay Ate Catherine. Napalingon siya sa akin and mouthed 'thank you'. Napalingon naman ako sa itaas nang sumigaw ang Dragon ko dahil sa mga umuulang palaso na papatama sa amin kaya I immediately create a barrier na gawa sa lupa't dahon, ganoon din ang ginawa ni Ate Catherine pero sa kaniya ay gawa sa tubig kaya walang tumama sa aming mga palaso. Lumapit kaagad sa akin si Ate Catherine. "Okay ka lang?" "Naman! Ako pa?" Maangas na sabi ko. Napatawa naman siya at mabilis na may pinatamaan sa likuran ko kaya napatingin ako at kalaban pala na sasaks

