Dragon XXXI

4923 Words

Melinda Graspela's POV (The Grandmother of the Masters) Abala ako sa paglilinis ng bahay ko nang bigla na lamang akong mawalan ng balanse kasabay nang paglamon sa akin ng liwanag. Naramdaman ko ring nag-iba ang anyo ng aking mga mata. Pangitain. May pangitain na naman. Isa-isa nang lumabas ang mga pangitan sa aking balintataw. Malalabo ito ngunit sapat na upang maintindihan ko. Kaguluhan. Sigawan ng mga tao. Mga naka-itim at puting baluti. Naglalaban-laban. Mga ingay ng nagtatagpong mga sandata. Batuhan ng mga mahika. Liwanag. Kadiliman. Nagliliparang mga Dragon. K-kamatayan. Marahas akong napa-hinga nang malalim nang bumalik na ang lahat sa dati. Nanghihinang napa-upo ako sa sofa sa aking tabi at napahawak sa tapat ng aking puso na mabilis na tumitibok. Ang aking mga nakita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD