Third Person's POV Mabilis kumalat ang balitang nadakip ang isa sa mga Masters na tinitingala ng lahat upang maging kanilang tagapag-tanggol mula sa mga kalaban. Hindi maiwasan ng iba na madismaya dahil sa balitang ito, pinapakita lamang kasi nito na hindi pa handang lumaban ng mga Masters. Ang tanging hiling na lamang ng ilan ay sana walang mangyaring masama rito. Abala na rin ang mga Knights sa paghahanda at pag-e-ensayo para sa nalalapit na paglusob sa mga kalaban. Sinusubaybayan rin naman ito ng Heneral ng mga kawal na si Azul sa utos ng Prinsesa Amber. Maging ang mga studyante ng Dranair Academy ay nakahanda ring tumulong kung kaya't makikitang halos lahat ng studyante ay nasa training area ng Academy upang magsanay pa lalo. Pinahintulutan naman ito ng Reyna ngunit kailangan may per

