~~LINDA(MAMA NI LEANNA)~~
Nasa kalagitnaan ako ng sarap sa pagtulog ng biglang may kumatok sa pinto ng bahay naming magasawa
" hmmm " tanging na usal ko dahil sa sobrang antok pero tuloy parin ung pag katok sa pinto ng bahay namin
" asawa ko buksan mo nga ung pinto " medyo malambing na sabi ko pero mahihimigan mo ng pag kairita sa boses
" hmm wait " sabi ng asawa kong si harnold ( tatay nila yanna,leanna at karina )pero pinikit ulit nito ang mata at tumalikod sa akin
dahil sa pagkainis ay napilitan akong tumayo at padabog na lumabas ng kwarto naming mag asawa at pumunta sa pinto ng bahay para tingnan kung sino ung makulit na kumakatok sa pinto kahit nakapikit ang mata
pero ganon na lang nanlaki ang mata ko ng pagdilat ko ng mata ay mabungaran ko ang demonyitang mukha ni yanna ( ate nila karina at leanna )
" hi mommy " masayang sabi ni yanna kaya binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok sya sa loob ng bahay namin
" si leanna po mommy na saan " tanong ng anak kong si yanna
" nasa taas bakit " mataray na sabi ko habang nakataas ang kilay pero nginitian nya lang ako
" ah okay po " sabi ni yanna at pumasok na sa loob ng makapasok sya ay tiningnan ko muna ang mga tao sa labas at ng may makita akong kotseng magara ay sinara ko na ang pinto
" sino ang kasama mong pumunta dito " mataray na tanong ko kay yanna at umupo sa couch na parang donya
" si gillion po asawa ko " nakangiting sabi ni yanna
ngingiti ngiti ka dyan porket nabingwit mo si gillion na dapat ay asawa na ni karina ko
" oh asawa " sarcastic na sabi ko kay yanna na ikinataas ng kilay nya
" opo bakit " mapagpasensyang sabi nya na ikinataray ko
" wala bakit " mataray na sabi ko at tumayo na at naglakad papunta sa kwarto naming mag-asawa....galit ako kay yanna at leanna dahil....
ng pag sara ko ng pinto ay sinilip ko muna si yanna kung anong gagawin nya ng makita ko syang umakyat ay isinara ko na ang pinto ( kwarto naming mag asawa )
sigurado akong aakyat sya para puntahan ang kapatid nyang katulad nyang demonyo at maldita
sa totoo lang tutol ako sa pagpapakasal ni yanna at gillion dahil ang asawa dapat ni gillion ngaun ay ang anak kong maganda walang iba kundi si karina pero dahil sa bwisit na babaeng yan ay sila ang naikasal
pero ng makita ko naman ang kapatid ni gillion na si gavin ay gusto kong ipakasal si gavin kay karina
at napag alaman ko rin na gustong gusto ni karina si gavin
na alala ko pa nga nung nagmakaawa sa akin ang mahal kong anak na si karina na sya na lang daw ang iarange mariage kay gavin
ayaw kong umiiyak ang anak kong si karina kaso wala akong magagawa kasi bukod sa pinili na ng nanay ni gavin kung sino ang babaemg papakasalan ng anak nya eh inarange mariage na din ng dalawang matanda ( si grandma loisa at grandma rica ) kaya wala talaga akong magawa
umiiyak pa nga si leanna sa akin kasi ayaw nyang magpakasal at isa pa hindi ko sinabi kay leanna na sa linggo na ang kasal nila
dahil gusto ko syang makita na magulat at umiyak sa maraming tao
sa totoo lang gustong gusto ko syang nakikitang umiiyak dahil ang dapat na kay karina ay napupunta sa dalawang demonyita at maldita ( si leanna at si yanna )
alam kong tutol at masama ang loob ni leanna sa akin dahil hindi ko manlang sya tulongan na wag matali sa taong di nya kilala at mahal
kahit nga pangalan at apelyedo ni gavin ay hindi ko sinabi dahil ayaw kong maging exited sya sa nalalapit na kasal nila gavin eh
kasi alam ng lahat na si gavin ay isang hot ruthless billionaire kaya sigurado ako na kapag nalaman nya ang pangalan o apelyedo ay magsi kikislap ang mata ng demoyitang yon kasi kung ako din ang nasa lugar nya eh magsisikislap din ang mata ko kung makakapangasawa ako ng hot na gwapo pa at billionaire tiba tiba un
alam kong ung iyak at pag mamaka awa nya sa akin ay mapupunta un sa masayang ngiti dahil tiba tiba sya sa mapapangasawa nya
kasi halos lahat ng kababaihan ay pinapangarap na maging dala veste sa madaling salita eh halos lahat ng kakababaihan ay gustong maikasal sa mga gwapong binatlyong dela veste at alam kong isa na doon si leanna at yanna pero exept sa anak kong maganda na si karina
at dahil sa sobrang pag iisip ko doon sa dalawang demonyita eh di ko namalayan na nakatingin na sa akin ang asawa ko na si harnold
" oh sino ung taong kumatok sa labas at ganyang ang itsura ng mukha mo " sabi nito sa akin
" edi walang iba kundi ang anak mong si yanna " labas sa ilong na sabi ko na ikinangiti nya ng malaki at agad na umupo sa kama
" nasaan na sya " tanong nito sa akin at nagkikislapan pa ang mga mata
" ayon umakyat sa taas para sa kapatid nyang si leanna " labas ulit sa ilong na sabi ko
" okay " tanging sabi nya at nagmamadaling lumabas sa kwarto naming magasawa
yan pa ang isang ayaw ko eh kasi kapag nandito ung dalawang demonyitang iyon eh nakakalimutan ni harold ( asawa ko ) na maglambing sa akin
pagkalabas ni harold ( asawa ko ) ay lumabas din ako sa kwarton naming magasawa at pumunta sa kwarto ng maganda kong anak na si karina
" anak kong maganda " malambing na sabi ko kay karina na ngaun ay mahimbing ang pagtulog habang nakadapa kaya lumapit ako sa kanya at
" maganda kong anak gising na andito na ung isang demonyita " malambing na sabi ko kay karina pero mahihimigan mo ng pag kairita ang boses ng mabanggit ko ung isang demonyita
" hmmm " tanging nausal ni karina dahil siguro sa sobrang antok sigurado akong nagstudy to
" anak andito na ung ate ng isa pang demonyita " malambing na sabi ko sa kanya na dahan dahan nya ikinadilat
" anong pasalubong nya sa akin mommy " sabi nito
" wala syang dala kundi ang sarili nya " labas sa ilong na sabi ko na ikinalungkot ng mata nito
" hay nagsabi ako sa kanya na kapag pumunta sya dito ay dalhan nya ako ng isang buong box ng chocolate " galit na sabi nito na ikinataas ng kilay ko
" oh tahana maganda kong anak " malambing na sabi ko
" halika na labas na tayo puntahan na natin ung dalawa baka agawin ni yanna ung tatay mo para mawalan ka ng ama " galit na sabi ko na ikinatango nya at sumunod na sa akin
ng maabutan namin ni karina ung magama eh nag tatawanan ang mga ito na ikinataas ng kilay ko
" baka gusto nyong ishare kung ano ang pinaguusapan nyong dalawa para tumawa kayo ng masaya " labas sa ilong na sabi ko na mahihimigan mo ng pag kairita na ikinatigil ng dalawa sa pag tawa at lumingon sa gawi ko
" bakit asawa ko " sabi ni harnold
" wala " labas sa ilong na sabi ko at umupo sa tabi ng asawa ko
" nalaman kong nagsabi sayo si karina na gusto nya daw ng isang box ng chocolate....asan na yung isang box ng chocolate? " mataray na sabi ko habang nakataas
ang kilay at nakacross arm
" huh? " tangin na usal nito na lalo kong ikinainis
" huh? huh huh ka dyan bakit may amnesia ka para makalimutan mong humingi sau ng isang box ng choclate si karina " mataray na sabi ko habang nakataas ang kilay at nakacross arm na ikinataas ng kilay ni yanna
" wow hanep makapag salita ka daig mo pang nag uutos ha bakit meron ka bang ibinigay na pera sa akin para makapagsalita ka ng ganyan.....ano sa tingin mo sa akin.....bakit bangko o mall ba ako para lahat ng gusto mo at ng impaktita mong anak eh ibigay sa inyo agad agad mismo " mataray na sabi nito habang nakataas ang kilay sigurado akong di na ito nakapagtimpi sa ugaling ipinakita ko
" tama na yan " saway ni harnold sa aming dalawa ni yanna
" yan kasi pag sabihan mo yang bastos mong anak " sabi ko at tumahimik na
" pa oh may pag kain akong dala para sa iyo " malambing na sabi ni yanna at nagpaalam saglit na lalabas lang daw sya para kuhanin ang ipinamili nitong pag kain ng pag balik nya ay ganon na lang nanlaki ang mata ko ng andami nyang dala pero puro prutas gulay lang
" nasan ang chocolate " mataray na tanong ko
" ito oh " sabi nito sabay labas ng isang pirasong tobleron na ikinalukot ng mukha ko
" bakit isang pirasong tobleron lang " mataray na sabi ko pero di na sya umimik
" sige po pa aalis na ako magiingat po kqyo dito ha " malambing na sabi ni yanna at lumabas na kaya sinundan namin sya
" sige anak salamat " nakangiting sabi ni harold ama ni yanna leanna at karina
" welcome po pa " malambing na sabi ni yanna at lumakad na papunta sa kinaroroonan ni gillion at kumaway na sila kaya kinawayan din namin
at sumakay na si yanna at gillion sa magarang kotse
ng makaalis ang kotse ay pumasok na kami sa loob ng bahay
" anak itago mo yang chocolate at baka nakawin ni leanna dahil sa inggit " sabi ko kay karina na ikinangiti nito sabay tango at pumasok na sa sarili nitong kwarto
ng makalabas na si karina sa kwarto nya ay inutusan ko syang puntahan si leanna para gisingin
" opo ma wait lang " sabi ni karina at umakyat na sa taas
pero bigla itong sumigaw kaya dali dali akong umakyat
" ma wala si leanna dito " sigaw ni karina
na ikinataas ng kilay ko
" putangina nasaan ung demonyitang yon " di ko mapigilang usal sa sobrang inis
so tumakas si leanna para hindi sya maikasal
good sa ginawa nya hindi matutuloy ang kasal nila
kaya si karina ang ipapakasal ko kay gavin