Every Rose Has Its Thorn Forty-one: He’s back Gaia Rowen Madilim na sa labas pero hindi pa rin ako nakakaalis sa pwesto dahil sa mga naiisip. I can’t say exactly what I am thinking. Random lang kung baga. Kung tatanungin ako kung ano ang problema ay paniguradong hindi ko ito masasagot. Basta, sa sumunod na mga oras ng araw na iyon ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumingin lamang sa labas ng bintana at libangin ang sarili ko sa kung ano-ano ang nakikita. Bumaba ang tingin ko sa tasa ng kapeng hawak. Isa pa pala, hindi ko na rin mabilang kung nakailang tasa na ako ng kape. Umiiling-iling ako nang walang gana akong naglakad patungo sa coffee maker na naroon mismo sa kwarto ko. Maghapon lang na ganoon ang ginawa ko—for no particular reason. Basta, with an empty mind, pinalipas ko la

