Thirty-two: Save him Every Rose Has Its Thorn Gaia Rowen I am sick of this feeling. Alam niyo ‘yun, paulit-ulit kong nararamdaman ang isang bagay kahit pa gaano ko na ito kagustong bitawan at kalimutan. Madalas, kapag ako ay pipikit ay marahas lamang susulpot ang mga araw na iyon. Bumabalik sa isipan ko ang nangyari. Those dark days. . . days that I’ve always wanted to forget. Gusto ko palaging itanong sa Panginoon kung nasisiyahan ba siya sa nangyayari sa akin. Sometimes, I find it so unfair. Alam ko kasing kung hindi ay bakit niya pa ito kailangang gawin sa amin, sa akin. I didn’t even ask Him to bring my parents to life. Ang gusto ko lang naman mabigyan ng hustisya ang mga magulang. Malaman ng buong mundo o kahit pa ng buong syudad lamang na hindi simpleng carnapping incident a

