Four: Career wrecker
Every Rose Has Its Thorn
Gaia Rowen
‘‘If you have any other questions, walang bayad ang pagtatanong sa akin. You should ask and I am very much willing to explain.’’ Hindi ko pa magawang makalabas ng silid na iyon kahit pa matagal-tagal na rin noong napili kong magpaalam.
Ganito siguro talaga ang pakiramdam sa una.
Hindi ako mapakali na para bang hindi ko gugustuhin ang magkamali.
Hindi ko lubos maipasok sa sarili na ilang taon lang ang nakaraan. Kitang-kita ko pa ang sarili kong nakaupo sa gilid na parte ng silid habang tahimik na nakikinig sa guro ngunit heto ako ngayon. . . ako naman ang nasa harapan. Ako naman ang pinakikinggan.
Ako naman ang guro.
‘‘Is that understood?’’ pag-uulit ko pa.
‘‘Yes, Ma’am!’’ sabay-sabay nilang gagad bago magkanya-kanyang tayo at excited na exited na lumabas nang senyasan ko ang mga ito.
Oras nang pananghalian kaya paniguradong gutom na gutom na rin ang mga estudyante. Kahit nga ako, kanina ko pa naririnig na nagpaparamdam ang tiyan pero mas pinili ko iyong balewalain at lapitan ang isang estudyanteng nakatapat pa sa binabasa nitong libro at mukhang walang balak kumain.
Nag-aalangan man dahil baguhan sa propesyon ay matapang ko itong nilapitan.
‘‘Miss Rivera,’’ sambit ko noong makalapit nang bahagya. Nagawa ko pang maalala ang pangalan nito nang magpakilala sila kanina. ‘‘Hindi ka pa ba kakain? Do you have your food with you?’’
Malaki ang ngiting sinalubong ko ang titig ng babae at tahimik na nag-antay ng sagot pero mukhang walang narinig na kinuha lang nito ang earphones sa bulsa ng bag na nasa gilid niya at sinuot iyon.
‘‘Ah. . .’’ May gusto pa sana akong sabihin. Gusto ko pa sana itong pagsabihang hindi maganda ang nagugutom pero pinili ko munang kontrolin ang sarili.
Unang araw pa lang naman ng klase at paniguradong hindi ko rin agad makukuha ang loob ng mistula ko ng mga anak ngayon.
‘’Hindi mo ‘yan makakasuap.’’
Inikot ko ang katawan at hinanap kung kanino man marahil galing ang boses. Akala ko ay kaming dalawa na lang ng babae ang naiwan kanina at hindi napansin ang lalaki.
Gusto ko ring mapakunot sa uri ng pananalitang ginamit nito sa akin pero pinabayaan ko na muna. Alam ko kasing kung gusto kong kunin ang mga loob nito ay dapat na pag-aralan at obserbahan ko muna sila nang mabuti.
‘‘Hindi ka pa ba kakain?’’
Hindi ko na muling binalingan ang lalaki. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito dahil siya lang naman ang nagregalo ng kamao sa akin ngayong araw—sa unang araw ng klase.
In fact, dahil nga hindi ko gusto ang pananlita nito ay nagpanggap akong hindi siya naririnig at hindi ko alam na ako ang kinakausap niya.
‘‘Uy. . .’’
Hindi man sinasadya ay napalakas ko ang paglapag ng iilang mga papel na hawak sa mesa. Nakuha pa nga noon ang atensyon ng babaeng naroon kahit pa napapasakan na ng earphones ang tainga nito.
‘‘Excuse me, Mr. Chevalier. . .’’ Hindi ko hinarap ang lalaki dahil ayaw kong maktia nito ang paniguradong kanina pa namumulang mga mukha. ‘’Are you talking to me?’’
Naulunigan ata ng lalaki ang biglaan kong pagtataray kaya mabilis itong sumagot, ‘‘Yes, Ma’am.’’
Sa pagkakataong iyon ay nagawa ko na itong lingunin. Hawak ang mga gamit ay diretso kong tinahak ang pinto.
Una pa lang ay hindi na maganda ang impression ko sa lalaking ito kahit pa estudyante ko ang bata. I know that I should give him the benefit of the doubt dhahil posibleng magkaiba ang pagtrato nito sa mga kaaway ngunit para bang naglahong parang bula ang pag-asang iyon.
‘‘Kain tayo.’’
Napabuntong-hininga ako at nagtuloy-tuloy sa pag-iling.
This is hopeless.
‘‘I won’t eat here,’’ suplada ko na namang gagad. Naiinis man ako sa lalaki ay pakiramdam ko ay mas lalong naiinis ako sa sarili.
Akala ko pa naman handa na ako. Akala ko pa naman nagamot na ang walang paawat na kasungitan dahil nagawa ko na ring magustuhan ang mga bata.
Pero ngayon pa lang, sa unang araw pa lang ng klase ay parang maiwawala ko ata ang lagpas apat na taon ng pag-aaral para lang makaabot sa puntong ito.
‘‘Bakit na naman? Nagyayaya lang naman ako–’’
‘’Mr. Chevalier. . . ’’
Alam ng panginoon kung gaano ko ginawang mapigilan ng sarili sa pagsigaw.
What is happening to me? Bakit sa isang iglap ay parang bumalik ako sa walang pasensyang ako noon.
For Pete's sake! Para niya lang akong kaibigan at kalaro sa basketball kung kausapin.
‘‘I am your teacher.’’
‘’Yes, Ma’am.’’
Parang matatawa ako sa sarili ko—no, ang totoo pala ay talagang natawa na ako sa isip. Isa lang si Mr. Chevalier sa halos dalawang daang freshmen na ha-handle-an ko ngayong school year.
I know. . . I know, Gaia. This will be a rough year.
Hindi ko na pinasin ang lalaki at nagdere-deretso sa canteen. Ang totoo, wala naman akong mapupuntahan. Hindi rin ako pupwedeng kumain pa sa labas dahil siguradong kakainin noon ang oras ko.
Isang tasa ng kanin at isang serving ng paboritong Caldereta ang ibinaba ko sa bakanteng mesang nakita. Makakahinga na sana ako nang maluwag noong mapansing wala na ang lalaki sa likuran pero ganoon na lang din ang paglaglag ng panga ko nang sa mismong harapan ko pa ito naupo.
Mayabang ang itsurang tingnan ako nito at maangas na nanatili sa upuang kaharap ko at nagsimulang kumain.
Inihanda ko ang sarili sa para makapagdasal nang masulyapan kong nagsign of the cross ang lalaki. Doon ay parang nabunutan ako ng isang tinik sa lalamunan. One over millions.
HIndi naman siguro ito talagang basagulero.
Nanatili ang kaisipang iyan sa isip ko ng wala ngang dalawang minuto dahil nang magawa na nitong isubo ang unang kutsarang puno ng pagkain ay nagsimula na naman itong mangulit.
‘‘Hindi ko alam na teacher ka pala,’’ panimula niyang hindi ko pa rin pinansin. Mas lalo akong nagkunwaring hindi nakaririnig at mabilis na pinagsisihang hindi ako nagdala ng earphones.
Kagabi pa lang ay inalis ko na iyon sa bag sa pag-asang mararamdaman kong maigi ang pagiging guro at makakalimutan ang musika.
I am inlove with music.
Siguro, malaki siguro ang epekto sa isang sanggol na agad nakarinig nang malakas na musika noong kapapanganak pa lang. Ayon sa kwento ng mga magulang, kahit pa nasa tiyan ako ng ina ay wala ni isang araw akong hindi nakakarinig ng musika.
My mom is a singer. Ang tatay ko naman ay naging drummer sa isang sikat na banda noong kabataan nito. Hindi na naalis sakanila ang pagiging inlove sa musika kaya naman sa mang edad ay nakaka-jamming ko na ito kahit pa nasa bahay lang kami.
HIndi ko rin alam kung bakit kapag napag-uusapan ang musika ay nagiging emosyonal ako. Siguro dahil ay lubos kong naalala ang mga magulang sa bagay na iyon. But then, music instantly became my comfort simula nang mawala ang aking mga magulang.
Nang magpakurap-kurap ako ay halos maibunga ko ang kinakain. ‘’Hindi ka pa rin tapos magsalita?’’ birada ko sa lalaing hindi ata nauubusan ng laway.
‘‘Hindi mo kasi ako pinapansin,’’ walang pagdadalawang-isip nitong sambit.
Buong lakas kong inipon ang hininga at pasimpleng ibinuga iyon. Wala akong ibang magagawa kung tatakasan ko lang ang bata. HIndi man ako naka-encounter ng katulad niya sa iilang mga seminar, projects pati na rin sa demo teaching ko ay kailangan ko pa ring gampanan ang pagiging facilitator ko sa pagkatuto ng mga ito.
‘’Okay. . .’’ pagpapahayag ko ng pagsuko. ‘‘Okay, okay, Thorn. Kakausapin ka ni Teacher pero you should promise me that you will be polite,’’ malinaw kong pahayag.
‘‘Really?!’’
Mabilis na nalukot ang mukha ko at talagang tinaasan na ito ng kilay. Pasaway talaga.
‘‘Really, Ma’am?’’ pag-uulit nito sa mas mababang boses.
Wala akong choice kundi ang tumango. Kung iiwas na naman kasi ako ay mas lalo lang akong kukulitin ng lalaki.
‘‘Unang beses pa lang naman,’’ pakiusap ko sa sarili. ‘’Magagawa ko pa namang ayusin iyong gusto kong mabago. I will be their teacher. I'll guide them. . . I will let them be the best version of myself.’’
Nang makakain ay kaagad akong nagpaalam sa lalaki at sinabing pupunta sa banyo bago dumeretso sa susunod ko pang klase. Pero katulad ng inasahan ay nangulit pa ito at sinabing aantayin niya raw umano ako’t ihahatid, bagay na hindi ko sinang-ayunan.
Matalim na naman ang dila ko nang magawa ko itong pagsabihan na siyang sinunod niya rin pagkatapos.
Malakas ang naging pagbuntong-hininga ko nang magawa kong makapasok sa banyo at manalamin.
Bwisit na bwisit ako sa lalaki at kitang-kita ko kung gaano kapula ang mukha ko dahil sa nangyari.
‘‘Calm down. . . Calm down, Gaia. May susunod ka pang klase,’’ pakiusap ko sa sarili.
Maglalagay pa lang sana ako ng powder nang may tumabi sa aking pakuwari ko’y isa ring teacher. Sandali ako nitong binati habang kinukuha rin ang lipstick na nasa bag.
‘‘Unang taon mo rin, Ma’am?’’ tanong niyang mabilis kong tinanguan.
‘‘Yes. I’ll be teaching the freshmen. Ikaw rin?” pagbabalik ko nang tanong dito.
Kahit pa mukha itong bata ay halata ang ibang klaseng confidence nito sa pagtayo at pananalita kaya kung sasabihin nitong hindi ito ang una niyang taon sa pagtuturo ay mabilis ko siyang paniniwalaan.
Imbes na sumagot ay napabaling ito sa pinto kaya mabilis ko itong ginaya’t namataan si Thorn na pasilip-silip mula sa labas ay mukhang may inaantay.
Nakapamewang ko itong nilabas. Akala ko ay naging malinaw na rito ang aking bilin.
‘‘What is your problem, Mr. Chevalier. This is a women’s bathroom?’’
Patawa-tawang kumaway ang lalaki habang tinatahak ang daan paalis.
Sa huli ay napabuntong-hininga akong muli. Hindi ko alam kung sa paanong aspeto ko iintindihin ang estudyante pero mas mabuting ipanatag ko na muna ang loob at ihanda ang sarili para sa susunod na klase.
“You should be careful, Ma’am.’’
Kumunot ang noo ko’t hindi naging malinaw sa akin pandinig ang sinabi nito. ‘‘Sorry?’’
‘‘It’s about that student,’’ kaagad niyang sambit. Inayos nito ang buhok at inipit sa likod ng tainga ang iilang hibla noon.
‘‘Si Mr. Chevalier? Why? Do you know him, Ma’am?’’ punong-puno nang kuryusidad kong gagad. Bigla tuloy akong naging interesado sa pag-iisip na baka may sagot na sa mga katanungan ko sa klase ng pagkilos ng lalaki.
‘‘Not exactly. . . pero may mga balita kasi.’’ Inilapit nito ang bahagya ang bibig sa aking tainga kaya mabilis ko ring pinihit ang katawan palapit dito. ‘‘He’s a career wrecker daw.’’