Twelve: She died Every Rose Has Its Thorn Gaia Rowen Kung babayaran man ako ng libo-libo para maiguhit ang mukhang ibinungad sa akin ni Febie nang magawa kong makapasok sa shop niya ay paniguradong abutin man ako nang ilang umaga ay hindi ko iyon magagawa. Magkakahalong pagkadismaya, gulat at hindi makapaniwala ang namuo sa mukha nito. Kung laglag man ng panga nito akong lilingunin ay paniguraong hindi na ako magtataka. Nagkunwari akong hindi ko napansin ang reaksyon ng kaibigan at dumeretso sa isang mesang naroon. Wala na ring mas ibabagsak pa ang balikat ko dahil sa nangyari. Para ngang pasan ko ang mundo ay hindi na lang ako nagsalita at inilbas na lang ang mga ipinamili. Ilang minuto pa ay naramdaman ong muli ang presensya ng lalaking tinulungan pa ako sa pag-aayos, habang pat

