“If you are reading this piece of s**t, alam ko ng nahanap mo na ang mama mo. Alam ko na rin na may nangyari nang masama sa akin dahil alam mong hinding-hindi mo ‘to makukuha if I am alive and breathing. Hindi ko alam kung saan ako marahil magsisimula. Kung sa paghingi ng tawad, pagpapaliwanag o pag-amin ng pagmamahal. Felicity, You really made me happy. Hindi ko na kailangang ipaliwanag iyan sa‘yo dahil sigurado akong alam mo na kung gaano kalungkot ang buhay ko noon. Mag-isa, patay na ang mga magulang at wala ni isang kapatid. Fely, hindi ko na inisip o pinangarap na ngingiti pa ako because that is obviously my life– iyong nakasimangot lang at walang kinakausap. Sabi nila, napakabata ko pa raw para pagurin ang sarili ko sa pagta-trabaho habang nag-aaral dahil madalas akong umextra s

