Every Rose Has Its Thorn Thirty-nine: Rock Song Gaia Rowen Ito ang pinaka-awkward na car drive sa buong buhay ko! Kahit pa alam kong marami akong kailangang sabihin ay hindi ko magawang maibuka ang bibig sa sobrang kahihiyan. Me? I am a teacher, for Pete’s sake! Sa paanong kagustuhan kong makatulog doon? This is nonsense. Ngayon tuloy ay wala akong mukhang maiharap sa kasama. Alam ko ring hindi mapakali si Thorn sa tabi ko. Tahimik ito at mukhang nakapokus sa pagmamaneho pero hindi pa rin nito maipagkakaila ang ilang pagpapabalik ng tingin nito sa akin at sa kalsada. Mas lalo lang tuloy akong nahihiya. Hindi ko alam kung masyado ba talaga akong napagod kahapon at kung ano na ang nagawa. Paminsan-minsan naman ay pinipigilan ko ang sariling tumawa. . . ng dahi

