Kabanata 2

2548 Words
Nahihilo akong bumangon, inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko pero tanging sinag lang ng isang ilaw mula sa labas ng kwartong ito ang nagbibigay ng liwanag sa kinalalagyan ko. Nakaramdam ako ng takot, wala akong maalalang may nagawa ako para dakpin at idala ako sa ganito ng klase ng lugar. Napahawak na lang ako sa malaki ko ng tiyan, natatakot din ako para sa anak ko. Dahan-dahan akong tumayo at nagtungong bintana, sa tingin ko nasa isang abandonadong lugar kami. May kalayuan sa siyudad dahil tanging maliliit na bahay lang ang nakikita ko sa ibaba. Nasaan ba kami? Anong kailangan nila sa akin para dalhin pa ako rito. Dahan-dahan akong naglakad patungong pintuan para silipin kung may tao ba. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at dalawang lalaking nakasuot ng itim ang nagbabantay hindi kalayuan sa akin. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa gilid ng pintuan, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito at sa anak ko. Walang sinoman ang magliligtas sa akin sa lugar na ito. Pinahid ko ang lumandas na luha sa mga mata ko, nanghihina akong napaupo sa sahig at impit na mga hikbi ang tanging nagawa ko. Katapusan ko na nga ba? Bakit ganito na lang ang nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan. Tahimik na akong namumuhay at wala na akong ginugulo para maranasan ko ito. Napatingin na lamang ako sa lalaking bagong pasok at nakatingin sa akin. Mapait na lamang akong napangiti, ano nga bang laban ko sa kanila? Paano ako makakaalis dito ng ganito ang lagay ko. “Anong kailangan niyo sa akin?” mahina kong tanong pero sapat iyun para marinig niya. “Pasensya ka na Miss, napag-utusan lang kami.” napatango-tango na lamang ako, wala naman akong magagawa sa kanila, they need this job, a dirty job. Wala akong laban. “Kumain ka na muna para may lakas ka.” hilaw akong natawa sa sinabi niya, pakakainin nila ako dahil ito na ang huling kain ko. Ano pa bang ilalakas ko kung nawawalan na ako ng pag-asa na makalabas dito. Tiningnan ko na lamang ang ibinaba niyang pagkain sa paanan ko saka siya umalis. Tinitigan ko lang naman iyun at ilang mga prutas. Ano ba talaga ang kailangan nila sa akin, bakit hindi pa nila gawin kung anong gusto nilang gawin sa akin? Para saan pa ang pagbibigay nila sa akin na pagkain? Hindi ko iyun ginalaw, nakakaramdam na ako ng gutom pero wala akong ganang kumain habang nasa ganitong sitwasyon ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay muling dumating ang lalaking naghatid sa akin ng pagkain. Hindi ko na siya tiningala pa. “Bakit hindi mo kinain ang pagkain mo? kailangan mo ito at ng baby mo.” usal niya. “Ano ba talagang gagawin niyo sa akin? Bakit kailangan ko pang kumain kung mamaya ay papatayin niyo na rin ako?” hindi siya umimik sa sinabi ko dahil alam kong totoo naman iyun. Nagsayang pa siya ng oras para bigyan ako ng pagkain kung hindi naman na ako aabutin ng umaga? “Just eat it, kumain ka na lang para may lakas ka.” “Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw ko? Hindi mo ba makuha ang gusto kong sabihin sayo? bakit niyo pa pinapatagal ang buhay ko? patayin niyo na lang ako.” napalunok na lamang ako ng muling magsunod-sunod ang patak ng mga luha ko. Iniisip ko pa lang na hindi ko man lang masisilayan ang mukha ng anak ko, na hindi ko man lang siya mahawakan, hindi man lang marinig ang unang salitang kaniyang babanggitin parang hindi ko na kaya. Nawawalan ako ng pag-asa dahil kahit anong gawin ko para tumakas ay hindi ko magagawa. “Alam kong nagugutom ka na at kung nagugutom ka ibig sabihin ay nagugutom na rin ang baby mo kahit kumain ka na lang para sa baby mo.” sinamaan ko siya ng tingin, bata pa siya at alam kong ilang taon lang ang agwat niya sa akin, may itsura pa naman siya pero sa ganitong klase ng trabaho siya napunta. “Anong pakialam mo sa baby ko? Paano niyo naaatim ang ganito ng klase ng trabaho? Wala ba kayong pamilya o asawa o kahit na girlfriend man lang para gawin niyo sa akin ito?” yumuko naman siya at rinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. “Hayaan mo akong mabuhay pakiusap, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, gusto ko pang makasama at makita ang magiging anak ko. Huwag niyo namang gawin sa akin ito oh? Nakikiusap ako sayo, iligtas mo ako. Ilayo mo ako sa lugar na ito, gusto kong mabuhay kasama ng anak ko. Alam kong ayaw mo itong gawin, please I’m begging you.” Nakikiusap at umiiyak kong saad sa kaniya. Magsasalita pa sana siya ng biglang pumasok ang isang lalaki. “Bakit ba ang tagal mo? kanina ka pa namin inutusan para kunin ang babaeng yan. Magmadali ka naman para makauwi na tayo, babagal-bagal pa. At ikaw naman tumayo ka na diyan!” sigaw niya sa akin. “Susunod na kami.” saad naman ng lalaking nakaluhod ang isang tuhod niya na nasa harap ko. Umalis naman na ang lalaki, ibinalik niya naman sa akin ang tingin niya. “Pasensya ka na pero inutusan lang kami.” nagpumiglas ako ng hawakan niya ang kamay ko. “Pakiusap hayaan mo naman akong mabuhay, iligtas mo naman ako.” “Paano kita ililigtas kung pumalpak kami ay hindi namin makukuha ang pera namin? Manahimik ka na lang.” Pilit kong inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa palapulsuan ko pero ano nga lang ba ang lakas ko sa kanila? Napahawak ako sa tiyan ko ng sumakit iyun, tumingin naman sa akin yung lalaki at tiningnan din niya ang tiyan ko. “Sumunod ka na lang sa akin para hindi ka na mahirapan pa, I’ll give you the peace you want, with your baby.” Lalong nanlabo ang mga mata ko sa sinabi niya. They’re going to kill me, he want me to keep silent forever. Pilit ko pa ring inaalis subalit wala na akong nagawa ng buhatin niya na ako ng parang bagong kasal. Tanging hikbi ko na lamang ang naririnig ko, wala na akong pag-asa. Hanggang dito na lang talaga ako. “Bakit ba ang tagal tagal mo, ang dami mo kasing alam. Pakakainin mo pa wala naman na iyung silbi sa kaniya.” rinig kong saad ng lalaking pumasok kanina. Inilibot ko pa ang paningin ko, tatlo silang mga lalaki. Ang isa ay may kausap sa cell phone habang ang isa naman ay may hawak na baso at hinahalo iyun. Ibinaba naman na ako ng lalaki at pinaupo. “Opo Boss nandito na siya, malaki na ang tiyan niya katulad ng sa fiancé niyo.” Napatingin ako sa lalaking may kausap sa cell phone, sino ba ang Boss na sinasabi niya at may fiancé? “Pasensya na Boss kagigising niya lang kasi kaya hindi namin nagawa kanina. Huwag kang mag-alala walang magiging kahati ang anak mo sa lahat ng kayamanan mo.” parang lalong bumagsak ang katawan ko ng marinig ko ang usapan nila. This can’t be, how? Why? Bakit niya ginagawa sa akin ito? sino ang anak niya na magiging kahati niya sa kayamanan? Napatakip na lang ako sa bibig ko ng maalala kong buntis si Ellise, no, this is not true. Hindi magagawa sa akin iyun ni Xandro. Hindi niya alam na buntis ako, walang nakakaalam maliban sa akin. Kung alam niyang buntis ako, hindi niya magagawang ang ganito ng klase ng bagay. “Bilisan niyo diyan, naiinip na ang Montesso na yun. Hindi na makapaghintay, kung bakit naman kasi naisipan mo pang pakainin.” Tuluyan na akong umiyak at napatakip na lamang ang dalawa kong kamay sa bibig ko para pigilan ang paglakas ng hikbi ko. Why? What I have done para gawin mo sa akin ito? sa anak natin. Anong naging kasalanan ko Alexandro Montesso? Ganiyan ka na ba kagahaman sa pera? Hindi ko naisip na gamitin ang pinagbubuntis ko para sa kayamanan mo. Naitakip ko na lamang ang dalawa kong kamay sa buo kong mukha, hindi ko na kaya ang sakit na ginagawa mo sa akin. Hindi kita ginulo these past few months, wala akong ginawa sayo para gawin mo sa akin ito. Walang nagawa sayo ang anak natin para iparanas mo ito. “Tumigil ka na diyan sa pag-iyak iyak mo, wala ka naman ng magagawa. Kung ano ba naman kasi ang naisipan mo at nagpabuntis ka sa isang Montesso.” Napailing-iling ako, hindi ako dapat mamatay, kailangan kong mabuhay. Hindi dito matatapos ang buhay ko. Pagbabayaran mo ito Xandro, pagsisisihan mong nakilala mo pa ako. “Nakikiusap ako sa inyo, hayaan niyo naman akong mabuhay. May pamilya rin kayo kaya please, pakiusap.” “Pasensya ka na pero kailangan din namin ng pera para sa pamilya namin. Wala kaming magagawa sayo bukod na lang kung kaya mong doblehin ang ibibigay sa amin.” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya, alam kong malaking pera ang inalok sa kanila at hindi ko kayang doblehin yun. “Ipainom niyo na yan.” Napatingin na lang ako sa lalaking papalapit sa akin habang may hawak na baso, alam kong hindi lang basta inumin iyun. “Para mapabilis na lang tayo, inumin mo na lang ito.” iniabot niya sa akin ang inumin pero tinabig ko iyun dahilan para kumalat sa sahig. PAK “Carlos ano ba?!!” sigaw ng lalaking kausap ko kanina sa kwarto ng sampalin ako ng kasama niya. “Bastos eh! Hindi marunong makisama!” napatingala na lang ako ng hawakan niya ang buhok ko. “Kung hindi ka rin naman kasi malanding babae ka eh.” Tiningnan niya ako pababa at halata na sa kaniyang mukha ang pagnanasa. “Siguro masarap ka dahil isang Montesso ang nagkainteres sayo, ano kaya kung tikman din kita?” “Carlos wala sa usapan yang gusto mong gawin!” “Hindi lang naman ako ang makikinabang Kevin!!” “Buntis yung tao, maawa ka naman!” “Wala akong pakialam! Mamamatay din naman yung bata!”nagsagutan pa silang dalawa hanggang sa awatin na sila ng isa pang lalaki. “Tumigil na kayong dalawa, mas matatagalan lang tayo rito kung puro bangayan pa kayo. Ikaw naman Carlos dumiretso ka na lang sa bar mamaya para iraos ang sarili mo.” hindi naman na sila sumagot pa, tumalikod na yung Kevin na siyang kausap ko kanina at pumasok sa isa pang kwarto. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking may pagnanasa sa akin. “Ang sama mong makatingin ah, ako ang papatay sayo.” dinuruan ko naman siya sa mukha at muling lumipad ang palad niya sa pisngi ko. “Matapang ka, tingnan lang natin ang tapang mo mamaya.” Ngising saad niya sa akin, nayakap ko na lamang ang tiyan ko dahil alam kong kapag namatay ako ay mamamatay din ang anak ko. Lumabas naman na si Kevin at may dala na rin siyang baso. Napatakip na lang ako sa bibig ko, hindi ko alam kung para saan ang kulay gatas na nasa baso. Gusto nila akong patayin sa pamamagitan ng lason. Inagaw naman na nung Carlos yung baso at pilit na inaalis ang pagkakatakip ko sa bibig ko. “Ano ba hawakan niyo naman siya!!” sigaw niya pero mas nanlaban ako. Nagmamakaawa akong tumingin kay Kevin at umiling pero wala na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at pilit na inalis. Ilang beses akong umiling at nagmamakaawa sa kanila pero sapilitan nilang pinainom sa akin ang gatas. Umiyak na lang ako ng umiyak ng dumiretso na sa lalamunan ko ang gatas. Hindi nila ako tinigilan hangga’t hindi nila napapaubos sa akin. Iyak ako ng iyak ng tuluyan na nilang napainom sa akin. Nanlalabo na ang mga mata ko at ramdam ko na rin ang pagkahilo. Napahigpit ang hawak ko sa upuan ng unti-unti na akong nahihilo. Napatingin na lang din ako sa ibaba ko ng makita ko ron ang pagdaloy ng dugo. No, please not my baby. Huwag ang baby ko. “Ikaw na bahala sa katawan niya Kevin.” Rinig ko pang utos ng isang lalaki. “Bakit ako?” “Ikaw ang bata sa ating tatlo, kailangan ko na ring umuwi sa amin dahil baka hanapin na ako ng asawa ko.” hindi na naging malinaw sa akin ang mga pag-uusap nila. Narinig ko na lang ang mga hakbang na papalayo. Tuluyan na akong natumba sa upuan ko at naipikit ang mga mata ko. Bumagal na rin ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking pisngi. Hinawakan ko ang tiyan ko kahit na hinang hina na ako. ‘I’m soryy baby if I can’t protect you, I’m sorry dahil mahina lang ang mommy mo. Sorry dahil hindi mo pa lamang nasisilayan ang mundo ay naging malupit na sayo ang Daddy mo.’ Pagsisisihan mo ang lahat ng ito Xandro, pagsisisihan mo ang ginawa mo sa amin ng anak mo. THIRD PERSON POV Tiningnan naman ni Kevin si Kath na nakahiga pa rin sa sahig. Napatingin na lamang siya sa pang-ibaba ni Kath ng makita ron ang bahid ng dugo. Napabuntong hininga na lamang siya. Nang makaalis na ang mga kasama niya ay mabilis niya namang binuhat ang katawan ni Kath at maingat na ipinasok sa sasakyan niya. “Patawarin mo ako sa nagawa ko, sana mahanap mo ang kapayapaan.” Usal niya bago isinarado ang pintuan ng kaniyang sasakyan. Pinaandar niya naman na iyun at nilisan ang abadonadong lugar. Muli niyang sinilip ang katawan ni Kath na nasa likod lang niya at napailing. “Duwag naman pala ang bayag ng lalaking yun.” Saad niya habang iiling-iling. Mabilis niya ng pinatakbo ang kaniyang sasakyan, hindi niya na rin alam kung saan nagtungo ang mga kasama. Dumiretso na siya sa pinakamalapit na hospital, bago siya bumaba ay isinuot niya ang itim niyang maskara at inilabas si Kath sa kaniyang sasakyan at mabilis na iniwan sa harap ng hospital. Mabilis namang lumapit ang mga nakakita kay Kath, binuhat ito at ipinasok sa loob. Pinulsuan siya ng mga Doctor subalit napailing na lamang sila ng hindi nila maramdaman ang pulso niya. “May nakakita ba sa nagdala sa kaniya dito?” tanong ng isang Doctor. “Wala raw po Doc, nakamaskara siya ng itim at mabilis ding umalis.” “Bakit niya iniwan ang isang buntis sa harap ng hospital natin? Anong gagawin natin dito?” naiinis na saad ng Doctor. Tiningnan nila ang katawan ni Kath at sa malaki niya ng tiyan. “Malaking problema ito kapag nagkataon, sa dami ng hospital sa Manila bakit dito pa sa hospital natin? Check the cctv para sa plate number ng sasakyan.” “Nacheck na kaagad Doc pero hindi makilala ang nagdala sa kaniya rito at dun naman sa sasakyan, walang plate number.” Napasapo na lamang ang Doctor sa sinabi ng kaniyang kasama. “Wala ring pagkakakilanlan ang babaeng ito, wala siyang kadala-dala kahit na ano. Paano ito ngayon?” “Ideretso niyo na sa morgue, hindi naman nating kayang buhayin ang patay na.” sambit ng isang Doctor. Sumang-ayon na lamang din silang lahat. Muli nilang dinala ang katawan ni Kath at idineretso na sa morgue. Inilihera naman muna nila ito sa iba pang mga patay saka isinarado ang kwarto at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD