Taliwas sa masayang ngiti ng buwan, patuloy ang tangis ng hindi mapigil-pigil kong luha. Ilang oras kong tinitigan ang litrato, ineksamen kung totoo ba iyon o hindi. We have trusted for so long and I don't want to end it just because of this picture. Durog na durog na ako. Ayaw ko nang dagdagan pa iyon ng isa pang bitak kung sakali mang gawa-gawa lang ang larawang ito. Inabot ako ng magdamag nang walang tulog. Sa tahimik na gabi, pigil lang ang hagulhol ko upang hindi marinig nina Nanay at Diana. Ang hirap magpigil sa mga ganitong uri ng sitwasyon. Kitang bilang na lang ang araw ko tapos ito pa ang mangyayari? Pasikat pa lang ang araw nang bumangon si Nanay. Kaagad akong pumikit upang magkunwaring tulog. Ilang sandali pa ay naramdaman kong dumampi ang labi ni Nanay sa noo ko, senyales n

