HABANG kumakain sila ay nag-ring ang cellphone ni Dash. Dahil kilala niya ang ring tone at wala namang ibang taong nakakaalam ng number niya bukod sa mga kaibigan, pamilya, manager at si Dara, alam niyang kailangan niyang sagutin ito. “May tumatawag pa sa’yo ng ganitong oras?” nagtatakang tanong ni Dara sa kanya. “Si Malik ‘to. Hindi ko alam kung bakit. Sandali lang, ha. Baka importante.” Hindi na umalis si Dash ng pwesto dahil ayaw nia ring iwan si Dara. “Dude, nasa labas ako ng Gotohan. Nakita ko kotse mo.” “Mag-isa ka?” Nakakunot ang noong tanong n Dash. Tuwing pupunta sila roon ay magkakasama silang anim. “Ha? Oo. May pinutahan lang ako tapos nakita ko ang sasakyan mo.” Gusto pa sanang tanungin ni Dash si Malik ngunit hindi iyon ang tamang panahon. “Tara? Kai

