HINDI talaga alam ni Dash kung saan siya nagkamali. Kung magkasama at magkausap naman sila ay ayos lang silang dalawa ni Dara, ngunit may mga bagay talagang hindi pinaplano o napaghahandaan in advance at kasama roon ang tunay na nararamdaman nila sa isa’t-isa. Habang nasa biyahe sila ni Dara ay napansin na ni Dash na tahimik ito. Sumasagot naman ito kapag tinatanong niya ngunit hindi na kasing sigla o kasing sweet noong nasa Rest house pa sila. Nang nasa tapat na sila ng bahay ng dalaga ay tuluyan nang nagbago ang lahat at nagsimulang gumuho ang mga pangarap ni Dash. "We're here. Do you want me to come in? I know I want to." He tried to hug her but she gently pushed him. Doon na kinabahan si Dash. Para siyang binibitay sa malamig na tinging nakita niya sa mga mata ni Dara. Da

