14

4921 Words
-Matthew Sobrang sarap sa pakiramdam ang bawat hampas ng hangin. Sobrang sarap sa pandinig ang ginagawang tunog ng mga patak ng ulan sa bubong. Sobrang peaceful dito sa terrace. Ipinatong ko ang ulo ko sa braso ko pagkapatong ko ng mga ito sa railing saka ko inilahad ang isang kamay ko at sinalo ang mga patak ng ulan. Kung lagi lang sanang umuulan, malamang sobrang peaceful ng buhay ko. Ever since I was a child, I already love the rain. I love playing in it with my co-orphans back then. Meh. I don't know where they are; they're probably taking care of their... Oh, I don't know. Family? Wife? Husband? Kids? Family. I'm already 20, which is above the legal age, but I still don't have a family. Well, my situation sucks, big time. Sa panahon kasi ngayon, hindi na nakakagulat na may fifteen o sixteen years old na may nabuntis o buntis na. Isang malaking katangahan ang bagay na iyon – at least para sa akin - pero once na maisilang na iyong anak niyo, sobrang saya naman. Now, I'm getting envious. Sana pala nang nakilala ko si Coleen, binuntis ko na kaagad. I know, I know, desperate move na iyon. Ano bang paki ko? Desperado naman na talaga ako, aminado ako. "Matthew," And here comes the light of my life. Tangina. Cheesy much, Matthew? "Hmm?" tugon ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hindi pa rin ako umaalis sa puwesto at hindi ko iniba ayos ko dahil masyado pa akong natutuwa sa ulan. "Oh," Gamit ang peripheral vision ko, napansin ko na tumabi siya sa akin saka niya itinapat sa mukha ko iyong mug na hawak niya, na umuusok pa ang laman. "Hot choco, para sa iyo." Kinuha ko naman ito saka umayos ng pagkakatayo pero nakadungaw pa rin ako sa terrace. "Nasaan iyong bata?" tanong ko pagkahipan ko sa choco saka ko ito inamoy. Ang bango. "Nasa baba, natutulog." Pumasok ako sa kwarto para kumuha ng upuan dahil kanina pa rin talaga ako nakatayo. Baka mangalay ako. Naupo kami sa mga upuan na kinuha ko saka tahimik na pinanuod ang ulan habang hinihigop ang hot choco sa mug namin. Now this is what heaven is: Coleen plus the rain plus a hot choco equals heaven. Speaking of heaven, I wonder where my soul would go if I die? Is it to heaven or to hell? I think my soul would go to hell. There's no doubt about that. Killing is a sin, and I've committed so many sins – including killing. Dang, I'm not even religious. And we have here an angel. Coleen. Now here is, without a doubt, someone who is going to heaven. It's kinda sad, actually. I'm going to hell and she's going to heaven. Even in the afterlife, we're going to be separated so I might as well make the most out of it while I'm still with Coleen, while we're still alive. I wish I had met her sooner. I think she's my salvation. Kasi think about it, ever since Coleen started living here, I thought less of killing. All I think is how is she doing? Did she eat? Where is she? Is she okay? Is she happy? What is she doing? See how crazy my mind is? I may have a pea-sized brain but it's full of thoughts about her. "Gusto kong maligo sa ulan." out of the blue kong nasabi pagkahigop ko sa chocolate. "Maligo ka." Napatingin naman ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Nakatingin rin siya sa akin habang nakangiti. "Good idea," Hinipan ko iyong hot choco saka inubos since hindi naman na masyado mainit. Inilapag ko iyong mug sa gilid saka siya hinawakan sa pulso. "Tara, ligo tayo sa ulan." "Ma-Matthew-" "Tara na!" nakangising sinabi ko saka kinuha iyong hawak niyang mug gamit iyong free hand ko. "Samahan mo ako!" Hinila ko siya hanggang sa makababa kami pero dahil sa pagmamadali ko, nasagi ko iyong vase which caused the kid to wake up. Binitawan ko muna siya para makalapit sa bata. Nilapitan ko rin naman sila saka ko kinuha iyong bata. Ilang minuto ko rin itong pinatahan hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak. "Puwede naman siyang maligo sa ulan, ano?" tanong ko habang nilalaro ang bata na karga-karga ko pa rin. I thought this kid would drive me insane but I started to like him. He makes me feel like I'm a normal person; one that doesn't sleep around then kill. "Paliliguin mo siya sa ulan?" "Dalawang taon na siya, puwede na siguro iyan." Iniayos ko ang pagkakakarga ko saka ako dali-daling lumabas ng bahay dahil hinahabol niya kami. "Coleen, kuhanin mo iyong tsinelas niya!" sigaw ko habang binubuksan ang gate. "Matthew, ibalik mo siya rito!" Nilingon ko lang siya saka dinilaan. Nanduon pa rin kasi siya sa pintuan, hindi na kami nahabol. "Baka magkalagnat iyan!" Nang mabuksan ko na iyong gate, lumabas na ako saka umupo sa kalsada at pinaglakad iyong bata. I know I look stupid dahil nakaupo ako sa kalsada habang nilalaro iyong bata pero who effin' cares about how I look? Because I know I don't. Wala rin namang nadaan na sasakyan rito. Minsan mayroon pero I doubt na mayroong dadaan na sasakyan ngayon. Well who knows. Kada tawa ng bata, napapangiti rin ako. I feel like I'm his father. Nakakataba lang ng puso. "Habuling mo ako." matawa-tawang utos ko rito. Nakatingala ito habang nakapikit tapos paulit-ulit na pinupunasan ang mukha. Tinignan ako nito saka tumango. Akmang tatayo na ako nang biglang sumigaw si Coleen kaya dinamba ako ng bata, causing me and him to fall. Hindi ko tuloy maiwasang matawa lalo dahil parehas na kaming nakahiga sa kalsada. "Matthew," Mas lumawak na lang ang ngiti ko pagkatingin ko kay Coleen. Lumabas na rin pala siya. Nakapayong siya tapos nakayapak pa habang hawak ang pares na tsinelas ng bata. "Bakit mo siya pinaglakad ng nakayapak? At saka, tumayo nga kayo riyan." "So?" Inihilamos ko iyong kamay ko sa mukha ko saka sinuklay iyong bangs ko pataas gamit iyong mga daliri ko. Bumwelo na rin ako para makaupo na kami ng maayos. "Wala namang bubog rito." She sounds like a frantic mother, which is cute. "Isuot mo ito sa kaniya," pakiusap nito habang nakalahad sa akin ang pares ng tsinelas. Hindi ko iyon kinuha, instead nginisian ko lang siya para maasar siya. "Matthew! Dali na!" "Lapit ka muna," utos ko na may kasama pang pagsenyas ng lapit gamit ang hintuturo ko. Lumapit naman siya lalo. Kanina kasi parang 2 feet away siya. I don't know. Tumayo na ako saka hinawakan ang handle ng payong, kung saan siya nakahawak pero hindi ko naman hinawakan iyong kamay niya. "Ano ba-" "Maligo ka na rin!" Hinila ko iyong payong sa kaniya saka ko iyon itiniklop gamit lang ang isang kamay ko dahil hawak ko ang kamay ng bata sa isang kamay ko. "Matthew!" Nanglalaki ang mga mata at nakanganga ng onti habang natingin sa akin, na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Dali-dali ko namang binuhat iyong bata saka tumakbo dahil hinabol niya ako bigla. Hindi rin naman nagtagal nang marinig ko na siyang tumatawa habang hinahabol kami. Pati iyong bata, tumatawa na rin habang umaalog ito sa pagkakakarga ko dala ng pagtakbo ko. Napansin ko rin na iyong ilang katulong na napapansin ko dati na nagtsi-tsismisan, nakatingin na sa amin habang nasa ilalim ng payong nila. Tuwang tuwa yata sila sa nakikita nila kasi nakangiti sila habang nakatingin sa amin. Issue na naman ito. Unti-unti naman akong tumigil sa pagtakbo saka nilapitan si Coleen, na napatigil rin sa pagtakbo. I asked her kung napagod siya at ang isinagot niya, nakakahiya raw dahil pinanunuod na pala kami ng ibang tao saka siya tumawa. Napailing na lang ako habang nakangiti dahil ang layo ng sagot niya saka siya niyayang bumalik sa tapat ng bahay dahil medyo nakalayo na kami. Napagpasyahan namin na sa garden na lang namin ituloy ang paliligo dahil kitang-kita na iyong bra niya dahil sa nipis ng damit niya. Muntik pa nga akong mapaaway kanina dahil may tatlong gago na kung makatitig sa dibdib niya, parang gustong kainin iyon. Kung hindi pa kamo dahil sa mga ito, baka ako pa nakapansin na kita na iyong bra niya. Pero kung tutuusin, mas okay na ako na lang nakakita kaysa sa tatlong gagong iyon. Kung hindi pa kasi ako napigilan ni Coleen, malamang sa malamang nadukot ko na mga mata nuong tatlong iyon. "Heto, oh." Inilahad ko sa kaniya iyong tshirt na suot ko kanina. Mas okay nang topless ako kaysa ganiyang itsura niya. Baka mamaya may nangtetelescope para lang makita ang dibdib niya. Nakakaparanoid tuloy. "Hindi na kailangan; baka lamigin ka." pagtanggi niya habang yakap ang sarili niya – sa dibdib to be specific. "Sanay ako sa lamig kaya kuhanin mo na ito, Coleen." Tumalikod naman ako saka isinampay ang tshirt sa balikat ko. "Kuhanin mo na lang. Idoble mo na lang rin para hindi na makita iyan." Kinuha niya naman iyong damit ko. Nang sabihin niyang okay na, humarap na ako sa kaniya. Malaki iyong damit ko sa kaniya pero okay lang. At least hindi na halata. "Salamat." Nakangiting tumango siya saka nagsquat para buhatin ang bata. "Coleen, puwede magrequest?" "Hmm? Sure, anything. Ano iyon?" Sure? Anything? "Sa akin ka... I mean, marunong ka magsayaw?" tanong ko habang nagkakamot ng batok at nakangiti ng bahagya. Muntik pa akong madulas, bwisit. "Sayaw?" takang tanong nito. "Yeah. Isasayaw ko kasi iyong... pinsan ko dahil kasama ako sa eighteen roses. Ang problema, hindi ako marunong magsayaw." Nabibwisit nga ako kasi inimbitahan pa ako. Nananahimik na ako, eh. Ano bang gusto nila sa akin? Iyong nag-iisang kapatid kasi ng Mama ko, iyong buong family nito, alam na ulila na ako. Ilang beses na nila ako pinersuade na makipagclose sa kanila pero hindi ako pumayag. Tahimik na buhay ko; ayoko nang paguluhin pa. "Sige, tuturuan kita." nakangiting sinabi niya pagkalapag niya sa bata. "Ganito," Kinuha niya iyong kamay ko saka inilagay iyon sa bewang niya tapos humawak naman siya sa balikat ko. Tapos gamit iyong free hand niya, hinawakan niya ang isang kamay ko. "Game." Sa totoo lang, masaya na naiilang ako kaya sa paa namin ako nakatingin. Minsan naaapakan ko siya pero okay lang raw. Kaya ang ginawa ko, nagpaa na lang ako para hindi siya masaktan. Pero iyong pag-iiwas ko ng tingin, naputol rin kaagad dahil kailangan raw ng eye contact sa partner ko kaya sinanay niya rin ako na makipag-eye to eye sa kaniya. Nakailang ulit pa kami at medyo nakukuha ko naman dahil madali lang naman pala. Kaya nang last try namin, pinaapak ko siya sa paa ko at ako na ang nagdala sa sayaw. Could something be more perfect than this moment? I don't think so. -- "Huwag..." Pinipilit kong bilisan ang takbo ko para mahabol si Coleen pero ang bigat ng mga paa ko kaya mabagal ang pagtakbo ko. Sobrang bilis ng paglayo niya pati na ni Jale. Gusto ko siyang hatakin palapit sa akin at huwag na siyang ibigay sa kaibigan ko. Nasasaktan ako. Kada hakbang nila palayo ay siyang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Kada lingon ni Coleen, nakangiti siya, masaya, habang hawak ang kamay ni Jale. Napagod na ako sa katatakbo. Napahawak na lang ako sa magkabilang tuhod ko saka huminga ng malalim. Nang iangat ko ang paningin ko, nawala na sila. Napaupo na lang ako saka tumingala. Inilibot ko rin ang paningin ko kasi sobrang dilim ng paligid, to the point na wala na talagang makita. Nang magsimulang magtubig ang mga mata ko, iniubob ko iyong mukha ko sa mga braso ko nang maipatong ko ang mga ito sa magkabilang tuhod ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak dahil sa sakit. Iniwan na ko ni Coleen. "Matthew," Napadilat ako ng mata nang maramdaman kong may tumapik-tapik sa pisngi ko. "Matthew," "Coleen?" Medyo napapikit pa ako dahil sa pagtama ng liwanag sa mukha ko kaya hindi ko maiwasang kusutin ang talukap ng mga mata ko, hoping na makapag-adjust na ang mga mata ko sa liwanag. "Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito. Nang maimulat ko na ang mga mata ko at nang makapag-adjust na ng maayos ang mga ito sa liwanag, nakompirma ko ang tao sa gilid ko. Si Coleen nga. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko habang nakatingin pa rin sa akin. Teka, paano siya nakapasok sa kwarto ko? Hindi bale na nga. Baka hindi ko rin nailock tapos narinig niya pa akong naiyak kaya siguro pinasok ako. Ewan. But I didn't know na tulog ako habang umiiyak. Akala ko kasi totoo iyong napanaginipan ko. Niyakap ko ang bewang niya saka isinubsob iyong mukha ko sa tiyan niya. "Ayoko na..." pagsusumbong ko habang nahikbi. "Natatakot na ako." "Ano bang nangyayari sa iyo? Nanaginip ka ba ng masama?" "Nahihirapan na ako..." pabulong na sinabi ko saka hinayaan ang sarili ko na umiyak na lang dahil hirap na hirap na ako sa kalagayan ko. Kung hindi siguro ako na-in love sa kaniya, hindi siguro ako nahihirapan. Mahirapan man ako, iyon ay dahil lang sa pagbabawal ni Kamatayan sa akin na pumatay ng tao. Mas madaling mag-adjust sa bagay na iyon pero sa nararamdaman ko para kay Coleen? Ang hirap. Gusto ko burahin itong nararamdaman ko sa kaniya pero at the same time, ayoko. Masaya ako. Masayang masaya ako kasi na-in love ako sa tulad niya pero nahihirapan ako kasi hindi ko man lang magawang maiexpress ito. Siguro naieexpress ko ito sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kaniya pero gusto ko ito iexpress sa ibang paraan at ipamukha sa kaniya na mahal ko siya sa pamamagitan ng mga salita. Habang hindi ko kasi nailalabas ito, mas lalo akong nahihirapan. "Shh. Tahan na," Naramdaman ko ang marahan na paghaplos niya sa ulo ko habang paulit-ulit na sinasabing tahan na. Ayoko na sa sitwasyon ko. Gusto ko nang aminin kay Coleen na ayoko siyang umalis dahil mahal ko siya. Gusto ko nang sabihin na huwag na siyang lalapit kay Jale kung sakali dahil baka magselos ako, o sa kahit na sino pang lalake. Gusto kong magmakaawa na huwag na siyang umalis sa tabi ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na hayaan ako na ako na lang ang mag-alaga sa kaniya, ang pumrotekta sa kaniya, ang magmahal sa kaniya. Gusto ko nang sabihin kay Kamatayan na mahal ko si Coleen, na nagmamahal na ako. Kaso natatakot ako. Nakita ko kung paano pinarusahan iyong isang nagmahal. Natatakot ako kasi alam ko na kapag umamin ako, mahihiwalay na ako kay Coleen, mawawala pa ako sa mundong ito. Hindi ko pa nga nararanasan paano maging masaya ng lubusan, mawawala kaagad ako? Ayoko namang mangyari iyon. Takot na takot na ako. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman ko. -- "Hintayin mo ako, kukuhanan lang kita ng pagkain." Lalabas na dapat ako sa kwarto ni Coleen para kuhanan siya ng pagkain pero napatigil ako nang magsalita siya. "Sorry," Binalikan ko siya saka ako umupo sa kama niya. "Ilang beses mo na sinabi iyan?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti. "Naaabala kasi kita, eh. Sorry. Ikaw dapat ang inaalagaan ko since-" "So gusto mo na ako may sakit?" Umakto akong nagulat pagkaputol ko sa sinasabi niya kaya naialis niya ang pagkakabalot ng kumot sa katawan niya at kaagad na umupo. "H-Hindi-" Hindi ko ulit siya pinatapos sa pagsasalita sa pamamagitan ng pag-alalay sa kaniya pahiga. Tumawa ako ng bahagya saka tinakpan ang bibig niya para hindi na siya makapagreklamo. "Joke lang. Hintayin mo ako, babalik kaagad ako." Inialis ko na ang pagkakatakip ng palad ko sa bibig niya bago ako lumabas matapos ko ayusin ang pagkakabalot sa kaniya ng kumot. Nag-ayos na ako ng mga ingredients para sa gagawin kong soup since iyon naman talaga ang dapat ipakain sa may sakit, hindi ba? Nagkatrangkaso kasi siya, siguro dahil naligo kami sa ulan kahapon. Habang nagluluto ako, hindi ko maiwasang mag-isip dahil dumadagsa talaga ang mga bagay na umiikot sa utak ko. And here's one: I should be the one who's being taken care of, not the other way around. Iyan na kasi ang batas ko kaya hindi na ako tulad ng dati na nag-aalaga ng may sakit kapag may sakit ang mga kasama ko sa ampunan. But since it's Coleen, I'll whole heartedly do anything, and when I say anything I mean anything to make her feel better, safer, and loved– but I can't tell her I'm making her feel loved dahil baka mabura ako sa mundong ibabaw. Pumunta muna ako sa salas para icheck iyong batang natutulog since pakukuluin ko pa naman iyong soup para maiprepare na. I obviously can't feed Coleen raw food. I don't want her condition to worsen. Now tell me if I'm not being a fatherly figure or a husband material. Come on. Nag-aalaga ako ng babaeng may trangkaso tapos may bata pa. Parang inaalagaan ko iyong asawa at anak ko. We, me and Coleen, may not have a married or an in a relationship title but for me, we are committed. Well, at least in my thoughts, fantasy and dreams. Ha. Stupid Matthew, thinking all of that golden crap that will never happen. "Coleeeeen!" Napakunot ang noo ko saka tumayo nang marinig ko ang sigaw ng babae sa labas. "Punyeta kang babae ka, lumabas ka riyan!" Sumilip ako sa bintana para makita kung sino iyong eskandalosang iyon. Ang nakita ko lang ay isang babae, iyong lalakeng nakausap ni Coleen dati na sinasabi niyang kinilala niyang kapatid, pati na rin tatlong pulis. Anong mayroon? Binuhat ko iyong bata saka pinatay iyong stove pagkapunta ko sa kusina. Paakyat pa lang sana ako nang makasalubong ko si Coleen na pababa ng hagdan. Dali-dali ko siyang inalalayan dahil nanghihina pa rin talaga siya tapos mukha pa siyang kinakabahan. "Si Mama..." narinig kong bulong niya pagkasilip niya sa bintana. "Mama mo?" pagkaklaro ko dahil hindi ako makapaniwala na iyan iyong kinikilala niyang ina. Parang ang layo ng ugali niya rito. Tumango siya at kukuhanin na sana ang batang karga ko pero sinabi ko na lang na huwag muna at hayaan na lang ako ang bumuhat dahil natutulog ito tapos may trangkaso pa siya. Baka mahawa kasi ito. Sinamahan ko naman siya sa paglabas ng bahay saka hinarap iyong eskandalosang babae. "Ang anak ko!" sigaw nito sabay turo nuong babae sa karga-karga kong bata. "Ibalik niyo sa akin ang anak ko!" Inuga-uga nito ang gate kaya gumagawa ito ng ingay. Napansin ko rin na may mga nanunuod na pala sa eksenang ginagawa nitong eskandalosang babae. "Ma, ano ba?! Sinabi nang hindi ninakaw si Luke, eh! Tumigil na kayo! Hindi ka ba nahihiya?! Ang dami nang nanunuod!" sigaw naman nuong lalakeng kinilalang kapatid ni Coleen, na nakalimutan ko ang pangalan. "Manahimik ka, Joco! At hindi ako dapat mahiya rito- iyang babaeng iyan ang dapat mahiya!" Matapos niya bulyawan ang anak niya, humarap naman siya kay Coleen kaya napaatras ito at kumapit sa braso ko. "Walanghiya kang babae ka! Sa dami ng nanakawin mo, anak ko pa?!" "Boss, buksan niyo itong gate." utos nuong isang pulis habang nakatingin sa akin kaya binuksan ko iyong gate. Bigla namang sumugod iyong mama ni Coleen sa akin tapos kinuha iyong bata. Hindi naman na ako nakipag-agawan dahil baka masaktan iyong bata. Matapos niya itong kuhanin sa akin, bigla niyang sinugod si Coleen saka sinampal at sinabunutan. Puta! Ano ba itong babaeng ito?! Sabog ba ito?! "Tama na!" sigaw ko pagkatulak ko ng marahan sa rito. Hinila ko naman si Coleen papunta sa likuran ko para kung sakaling sumugod iyong babae, kamao ko ang sasalubong sa kaniya. Tangina. Hindi ako magdadalawang-isip na itumba itong babaeng ito. "Oh, sino naman ito, ha?" tanong nito habang nakatingin kay Coleen, na may kasama pang pagturo sa akin. "Lalake mo? Bakit? Nagsawa ka na ba sa katawan ng nobyo mong si Jale kaya naghanap ka ng panibago?" "Ma, tama na po." pakiusap ni Coleen habang nakahawak sa laylayan ng tshirt ko. Ramdam ko ang takot niya pati na ang hiya kaya gusto ko na lang siyang ipasok sa bahay at yakapin para medyo kumalma siya. Tang ina kasi nitong mama niya, ang lakas ng sapak sa utak. "Huwag mo ako tawaging Ma dahil wala akong anak na puta!" Tumingin naman ito sa akin pagkaabot niya ng bata, na umiiyak na, duon sa kapatid ni Coleen. "Ikaw, hiwalayan mo na iyan dahil maruming babae iyan. Makakuha ka pa ng sakit riyan. Pipili ka na lang, iyong gamit na gamit pa." "Boss," Napatingin naman ako sa pulis nang magsalita siya. "Mabuti pa siguro sumama muna kayo sa amin sa presinto." Tumango na lang ako pero nagpaalam na kukuha muna ng pangbalot kay Coleen dahil nilalagnat ito. Pumayag naman ang nakausap kong pulis. Pagkabalik ko, inalalayan ko na siya papunta sa dalang kotse ng mga pulis. Habang nasa biyahe kami, panay ang iyak nito dahil kung ano-anong mga salita na sobrang degrading ang lumalabas sa bunganga ng mama niya. Sobrang sahol ng ugali nitong kinilala niyang ina. Kahit naman ampon si Coleen, hindi naman siya dapat tratuhin ng ganito. Oo, ang mga ito dati ang nagpakain at nagpaaral sa kaniya pero mali pa rin ang ginagawa niyang pagtrato kay rito. Hindi na tao kung tratuhin niya ito. Ano naman rin kung gamit na si Coleen? It's not like ginusto niya iyon at nagpakaputa talaga siya para pagsalitaan siya ng kung ano-ano nitong mama niya. Does she even deserve to be called a mother? Kasi sa tingin ko, hindi. Wala naman sigurong matinong ina ang ipahihiya ang anak niya kahit pa siguro ampon niya lang ito. Sa totoo lang, kanina pa talaga nangangati ang kamao ko na sapakin itong mama ni Coleen. Sobrang pagpipigil lang talaga ang ginawa ko dahil may mga pulis kaming kasama at alam kong ayaw niya na masaktan itong mama niya dahil alam kong mahal niya pa rin iyon despite all of the bulls that she's giving Coleen. -- "Bro, sorry to say this pero mental na yata kailangan ng mama mo. Your mother is delusional." bungad ko pagkalabas namin ng presinto nina Coleen. Kaming tatlo na lang ang naiwan dahil inihatid na nuong isang pulis na sumundo sa amin iyong mama nila pabalik sa bahay nina Joco. "Sorry at nadamay ka pa sa gulo namin, ha?" I just replied it's okay habang inaalalayan si Coleen pababa sa hagdan. Joco asked me to take care of his sister for a while at humingi ulit siya ng sorry dahil sa istorbong naibibigay nila sa akin bago siya tuluyang umalis. Everything is okay. Naiayos na ang gulo na ginawa nuong mama nila. Naipaliwanag na rin ni Joco kung bakit nasa amin iyong bata. At ngayon, heto na kami ni Coleen, nakasakay sa kotse ng pulis para maihatid kami pabalik sa bahay ko. Pero ibang pulis na iyong naghatid, hindi na iyong tatlong pulis kanina na pumunta sa bahay ko. "Sorry, Matthew," "Halika nga." Hinapit ko naman siya palapit sa akin saka ko ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Don't worry about it. Wala iyon. Ginagawa ko lang iyong dapat." Hinaplos-haplos ko naman iyong balikat niya para mas maging komportable siya. "Matulog ka na muna. Baka napagod ka." "Sorry ulit." Ipinagpatuloy ko lang ang paghaplos ko sa balikat niya hanggang sa nakatulog na siya. Ipinatong ko na rin ang ulo ko sa ulo niya dahil parang inaantok na rin ako. Gigisingin naman siguro niya kami kapag nakarating na kami sa bahay. "Nobya mo?" Naudlot ang balak kong pagpikit nang magsalita iyong pulis. Napatingin ako sa rearview mirror at sakto pa na nakatingin pala ito sa amin gamit iyon. "Hindi ho." "Asawa?" Ang sarap sabihing oo, asawa ko ito kaya tumigil ka na sa katatanong dahil inaantok na ako pero hindi ko sinabi. Instead na sumagot, ngumiti na lang ako saka pumikit pero hindi pa rin ako nakatulog dahil nagsalita siya. "Huwag mo na pakawalan iyan. Swerte ka na sa kaniya kung tutuusin. Mukha namang mabait, maganda pa. Package na iyan kumbaga. Kaya kung ako sa iyo, hindi ko na pakakawala iyan, o kung may umagaw man, makikipagpatayan muna ako hanggang sa huling hininga ko bago nila makuha sa akin iyan." Napangiti na lang ako dahil sa mga narinig ko. Gusto ko rin sanang gawin ang mga sinabi niya pero alam kong hindi mangyayari iyon dahil sa batas na dapat kong sundin kung gusto ko pa na makasama si Coleen. -- Days passed and everything kinda went back to normal. Nathan and Sheena, Coleen's friend, heard the issue about the kid. They felt sorry for her so whenever they have time, they always visit her at home to cheer her up – which works, at times. I, too, always try to cheer Coleen up but me, alone is not enough but at least she always smiles when I do crazy stuff just to cheer her up. And the drama that her mother created made some rumours about me and Coleen, which we learned from manang, my former maid. Me, being the stupid guy who fell for the trap of the k********g slut, Coleen. She's been putting a brave face whenever we go outside the house but I know that when we get home, she cries silently in her room. Well, I know because I always go sneaking up to her room while in my soul form. I know the fact that she's weak and fragile that's why I'm here for her. I wanted to rip the skull of those gossip mongers but I'm not allowed to. So yeah, boo me. "Matthew, kailangan kita." Narinig kong sinabi ni Kamatayan. "Thank God at tumawag ka ngayon." pabulong na sagot ko sa kaniya. Natuwa naman ako dahil makakaalis ang kaluluwa ko sa paaralang ito, sa maingay at boring na paaralang ito. Remind me again to stop attending school dahil wala naman akong mapapala kahit pa makapagtapos ako, eh. Kahit pa graduating student na ako, wala na akong pakielam dahil tinatamad na talaga ako sa school na ito. Itinakip ko iyong notebook sa mukha ko at nagkunwaring nagbabasa saka pumikit hanggang sa nahiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko. Nandito na ako ngayon sa isang simbahan, sa harap ng isang babae at lalakeng kalbo. Umiiyak silang pareho at nagsasabi ng kung ano-ano na sa tingin ko ay galing sa puso nila. Nang sabi nuong kalbo na goodbye habang magkapatong ang mga noo nila, sumagot naman iyong babae ng I love you. I can't help but compare my love life to these two. Tragic yata kasi ang love story nila. Well may mas tatragic pa ba sa love life ko? One-sided na nga, tragic pa. Mas nakakaiyak iyon; mas masakit; mas mahirap. Teka nga. Ano ba ipinaglalaban ko? Makuha na nga iyong kaluluwa nitong lalake. Nang makita ko ang kulay ng kaluluwa niya, ibinalik ko na lang since kulay blue iyon. Bumalik naman na rin ako sa school since wala pa naman raw ipagagawang iba sa akin si Kamatayan. Talagang ipinatingin niya lang ang kaluluwa nuong lalake dahil akala niya raw ay masamang tao ito. Ewan ko ba sa kaniya. Naturingang makapangyarihan siya, wala man lang siyang ability na idistinguish kung red o blue ang kaluluwa ng mga pinupuntahan namin. Heto ako ngayon sa sulok ng library, mag-isa dahil kakausapin ko si Kamatayan. Itatanong ko iyong tanong na gusting gusto nang itanong sa kaniya. "Ano iyon, Matthew?" bungad nito matapos ko ibulong ang salitang hoy sa hangin. "May tanong kasi ako na ikaw lang makakasagot." Kumuha ako ng isang libro, pang props lang. Baka kasi may dumaan at makita akong nagsasalita mag-isa rito. At least may pang alibi ako. Sasabihin ko na lang na nagkakabisado lang. "Ano iyon?" "Makakaalis pa ba ako sa galamay mo? I mean, puwede pa ba akong huminto bilang estudyante mo kung sakaling ayoko na?" "Puwede naman pero siyempre, babawiin ko kung ano ang ipinagkaloob ko sa iyo; ang buhay mo." "Ganuon ba?" "May mga katanungan ka pa ba, Matthew?" Tumayo na ako saka umiling tapos ibinalik ko na iyong libro sa shelf. "Wala na." Bakit ba hindi ko naisip iyon? Natural naman na bawiin niya iyong ibinigay niya sa akin kung titigil na ako sa pagiging estudyante niya. Hindi naman puwedeng binigyan niya lang ako ng buhay na walang kapalit, hindi ba? Ang tanga mo, Matthew. Bumalik na lang ulit sa klase ko saka hinintay na matapos na iyon hanggang huling subject na papasukan ko. Umuwi rin kaagad ako matapos kong kuhanin iyong part ko sa project na gagawin namin. Groupings kasi iyon kaya sa kaklase ko kinuha iyong part ko. Nang makauwi na ako, si Coleen ang bumungad sa akin. Nakaupo siya sa sofa sa salas habang nakatingin sa akin. Iyan kasi ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pintuan. "Matthew," Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Nilapitan ko siya saka inilagay ang bag ko sa sofa na inuupan niya kanina. Itinaas ko naman ang mga kilay ko habang nakangiti ng bahagya kaya nagsalita na siya. "May tanong ako." Hinawakan niya ang batok niya saka tumungo. Ano bang ikinahihiya niya sa itatanong niya? Nakakacurious tuloy. "Hmm? Ano iyon?" "Ano..." Nirub niya na iyong batok niya saka tumingin sa akin. At dahil ang tagal niya magtanong, maitanong na nga iyong tatanungin niya. "Come on, spill it, Coleen. Ano ba iyong tanong mo?" Ibinaba niya ang kamay niya saka huminga ng malalim bago tumitig sa mga mata ko. Nakakailang tuloy. "Matthew, I want you to tell me the truth." "Ano iyon?" Kinakabahan ako sa titig niya. Hindi ko alam pero para akong nanglalambot. "Matthew, may gusto ka ba sa akin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD