Nang tumigil sa harapan ni Ruby ang isang kulay asul na kotse ay agad siyang nakahinga ng maluwang, sinalubong niya ang pulis na tinawagan niya. Mabuti nga ay malapit lang ito kaya saglit lang siyang nakapaghintay, hindi niya kasi alam ang kanyang gagawin kung mauunang dumating si Samael kaysa rito. “Ma’am Chavez.” Lumapit ito sa kanya, halata rin na naka-dayoff ito dahil naka-civilian lang ito. “Mr. Trinidad,” bati niya. “Bakit kayo lang mag-isa?” “Kailangan ko muna’ng makasigurado kung tama ba na si Madison Rigos ang nakita mo bago ako tumawag ng back-up, kung basta na lang kami nagpadala rito ay baka matakot ang mga tao.” “I’m really sure!” Tinuro niya ang bahay sa harapan nila. “Dito ko siya nakita sa loob.” “Kilala mo ba ang may-ari ng bahay na ito?” Hindi siya nakakibo. Alam ni

