Naabutan ko si ate sa kusina kinabukasan, nakasuot na siya ng school uniform samantalang ako ay wala pang nagagawa. "Anong oras ang pasok mo?" Tanong niya at sumubo ng corn flakes na nasa bowl. "Uh, eleven o'clock." Almost eight pa lang naman. Kumuha ako ng corn flakes sa ref at nilagay sa bowl then nilagyan ng gatas, umupo ako sa harap ni ate at nasalubong ko lang ang nagdadalawang isip niyang tingin. Tumaas ang kilay ko. "Why?" "Anong oras kang natulog?" Nag iwas ako ng tingin. "Before midnight." "Really?" Naningkit ang mata niya. "Have you heard something weird last night?" Muntik na akong mabulunan. "Why? Did you hear something?" She bit her lip and shook her head. Ang sinasabi niya ba ay 'yung ginawang ingay ni kuya Kieran kagabi para hindi tuluyan na bumaba si ate? Nag iwa

