Napatigil sa pagpahid ng butter sa tinapay si Ruby nang makita niyang bumababa ng hagdan si Egypt, halos mabulunan naman si Emma na umiinom ng kape. Napansin niya agad na humaba ang buhok nito ngunit halatang bagong ahit ito ng bigote, tapos ay basa pa ang buhok. Nakasuot lang ito ng puting t-shirt at itim na shorts, sinundan niya ito ng tingin hanggang sa malagpasan sila nito at dumiretso sa kusina. “Oh my,” ani Emma at ngumiti. “Mabuti ay lumabas na siya.” Napatango siya nang nakangiti. Mukhang naging epektibo nga talaga ang ginawa ni Samael na pagkausap dito. Lumabas ulit si Egypt ng kusina na may dalang isang baso ng tubig, siniko siya ni Emma kaya napapitlag siya. “Uh, Egypt,” pagtawag niya kaya tumigil ito at lumingon sa kanya. Walang emosyon ang mukha nito at halatang pagod a

