Kaarawan ni Emma nang pumayag si Ruby na sa Carpe noctem sila mag-celebrate. Kahit na nalaman niyang pagmamay-ari ito ni Samael ay hindi siya naeengganyong magpunta roon, masyadong maraming mga sikat na personalidad sa nightclub na iyon kaya’t maraming mga media. “Sige na, Rubs. Birthday ko naman e.” “Oo na.” “Yes!” Nauna pang nakapag-react si Clara sa sinabi niya, ito kasi ang nagdala sa kanila sa Carpe noctem no’ng unang makapunta sila roon. Ilang beses na ito nakapunta sa nightclub na iyon nang hindi sila kasama, tulad nga ng kanyang pagkakaalam— puro mayayaman ang mga nalalagi ro’n. Biglang pumasok sa kanyang isip si Samael, hindi niya makalkula kung gaano kayaman ang taong iyon. He lives in an old classic house; almost looks like a mansion. Ang mga kagamitan ay kahit na makaluma,

