Tahimik na nakatulala si Ruby habang kumakain ng almusal. Iniisip niya kung bakit madalas na niyang napapanaginipan ang sarili at si Samael, ang pinagtataka niya ay nasa ibang lugar sila at panahon. Gusto niyang tanungin si Samael tungkol doon, baka may ideya ito kung bakit halos araw-araw siyang nananaginip ng ganoon. Ngunit ilang araw na silang hindi nagkikita dahil busy siya sa paghahabol sa kanyang school works, nagbabawi siya dahil sa mga naging absent niya. “Oh, hala, sige. Tumulala ka riyan,” sabi ni Clara nang makita siya nito pagkalabas nito ng banyo. She offered an awkward laugh. “Inaantok pa kasi ako.” “Maligo ka na para mawala ang antok mo,” sabi nito kaya’t nagbuntong-hininga siya at mabilis na inubos ang almusal bago tumayo at naligo. “Madison!” Nakangiting lumingon si M

