kabanata 15

2529 Words

Hindi na muling pumasok si Ruby sa kanyang part-time job, masyado kasing delikado ang oras ng shift niya. Hindi niya naman pwedeng ipabago iyon dahil mawawalan naman siya ng oras para sa pagpunta niya sa school. Hindi pa tapos ang internship niya kaya’t kailangan niya pa rin magturo, sinisigurado niya na lang na hindi na siya muli pang aabutin ng gabi. “Lucas!” Bati niya isang araw sa kanyang estudyante na tulad ng nakasanayan ay tahimik lang, nilapitan siya nito pagkatapos ng klase ngunit hindi ito sanay na binabati niya ng ganoon. Patunay na ang nagulat nitong mukha dahil sa ginawa niya. “Ma’am..” Kinuha nito ang libro niyang nasa ibabaw ng teachers desk. “Hatid ko na kayo.” Nakahinga ng maluwang si Ruby at tumango, base sa kilos nito ay wala itong naaalala sa nangyari sa kanila noong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD