PAGKATAPOS makita ni Apple ang himpapawid na itinuro ni Denis ay nalungkot siya kaya nagtaka naman ang katabi.
"Aalis na ako."
Nagmamadaling umalis si Apple dahil sa pakiramdam niya'y ang hirap abutin ng kanyang kaibigan na si Argel. Napakalayo na ng estado nito—'di gaya noon. Parang impossible nang tahakin na masulot pa niya ito sa Fiance niya gaya ng sinabi ng kanyang ina na kahit idinaan sa biro ay plano niyang totohanan.
Nang makasakay na siya sa elevator at pasara na ito ay bigla naman siyang nagulat nang harangan ito ni Denis. Hindi niya akalain na susundan pa siya nito.
"May I come in?" tanong nito habang nakangiti. Tumango naman si Apple kaya't pumasok na ito sa loob.
Habang nasa loob sila ng elevator ay tila walang gustong magsalita kaya't ang nagbasag na lang ng katahimikan ay si Denis. "What changed your mind on leaving this building? Ni hindi mo pa nga nakakausap ang hinihintay mo."
"Hindi ko alam. Gusto ko lang umalis," sagot naman ni Apple habang tahimik lang siya.
"I don't believe you. Simula nang makita mo iyong light aircraft ay kitang-kita ko kung paano nagbago at nanlumo ang mukha mo. You frowned in a sudden. Alam mo? Samahan na lang kita sa 3rd floor kung nasaan ang cafeteria ng company nang sa gano'n ay mahintay mo si Argel at makapagpaliwanag din siya sa akin kung bakit inalok ka niya ng trabaho pero wala namang balak na siputin ka man lang."
Ngumiti lamang si Apple pabalik sa nakangiting nag-aalok na binata sa kanya para sabihing pumapayag siya muling sumama rito.
Nang naroon na sila sa cafeteria ay nahihiya si Apple na um-order kaya si Denis na lang ang pumili para sa kanya.
Habang nakaupo siya ay biglang dumating si Denis dala-dala ang isang tray.
"Nakakahiya naman na ang CCO pa ang nagdadala niyan. Hindi ba sobra-sobra na ito, Sir Denis?" anas ni Apple habang nakayuko.
"No, it's fine. Don't be shy. Natawagan ko na rin si Argel and he's on his way here. Ito ay para sa 'yo. Isang piraso ng Salmon with meatballs and gravy sauce kasi parang hindi ka pa nakakapag-breakfast."
Pagkatapos ilagay ni Denis ang mga plato na may laman ay hindi siya nagkamali dahil sa gutom na gutom ang dalaga at halos lamunin na niya ang buong pagkain na order para sa kanya. Halos mabilaukan din siya sa pagpasok at paglunok ng pagkain sa bibig. Imbes na mainis naman si Denis ay mas lalo pa siyang natuwa sa dalaga.
Hanggang sa matapos na sila ay binalot muli ng katahimikan dahil wala pa rin si Argel.
"Salamat po. Na-enjoy ko ang pa-foodtrip ninyo. Sa katunayan niyan ay sa Saudi lang ako nakakakain nang ganyan. Sa may fastfood ng Ikea," nakangiting ani Apple.
"Sabi ko na nga ba! Hindi ka tagarito. You look kind of like half-Arab and half-Filipina. Half-breed ka ba? Iyan din ang usong magaganda ngayon—like Ivanah Alawi and Zeinab Harake na mga parehong half-Arabs."
"Ay, hindi po. Pero sa Saudi ako pinanganak at nag-babysitter sa akin ay isang arabo sabi ni dad. Dati kasi, mayaman din kami pero na-scam lang kaya nalubog sa utang hanggang sa ma-bankrupt," malungkot na pahayag ni Apple.
Nang marinig nila ang boses ni Argel na sumingit sa usapin nila ay nagulat silang dalawa at napatingin.
"Oh, bro. I thought you're not coming kasi late na," ani Denis kasabay ng pakikipagkamay sa kapatid.
Muling sumaya ang puso ni Apple matapos niyang makita ang gwapong mukha na hinahanap-hanap niya.
"Ako pa ba? Eh bestfriend ko 'yan," anas naman ni Argel at umupo ito sa pangatlong silya.
Nauutal naman si Apple. Hindi siya makapagsalita dahil sa tila nilalamon na naman siya ng hiya.
"So, bro. Totoo bang inalok mo siya bilang receptionist dito sa company natin?"
"Oo? Basta payag ka! Sige na, Kuya! Mabait naman 'yan at masipag magtrabaho. Hinding-hindi ka magsisisi sa pagtanggap sa kanya. Marami na siyang napasukang kumpanya at marami nang experience sa pagiging receptionist. She needs it for her tuition and more."
Nagulat naman si Apple sa sinabi nito dahil wala pa siyang experience sa pagtatrabaho. Sa bahay lang siya at dakilang katuga—kain, tulog, at gala. Doon lang umiikot ang mundo niya. Napatingin siya kay Argel sabay nagbigay ng senyas gaya ng pagtaas ng kanyang kilay kung bakit iyon nasabi ni Argel. Pero imbes na pakinggan siya nito sa mga senyas ay kininditan pa siya nito na parang sinasabi na ipaubaya na lang at ipagkatiwala sa kanya ang lahat.
"Well, sa little bond naman namin ni Miss Apple ay gusto ko na siya. I will schedule for the interview tomorrow."
Bigla na naman umangal si Argel. "Kuya, naman! 'Wag na iyong interview. Palusutin mo na siya at ipaubaya sa akin. Promise, Kuya, lahat ay gagawin ko para sa 'yo. Ipasok mo lang siya bilang manggagawa mo."
Bumuntong-hininga na lang si Denis dahil sa kakulitan ng kapatid. "Okay, sabi mo, eh. Iyong suweldo mo naman ay—" Hindi pa natapos magsalita si Denis ay inunahan na siya ni Argel, "Iyong suweldo mo Apple ay twenty thousand pesos monthly. Kasama na roon ang free transportation and 1 month vacation leave."
Palihim na natuwa si Denis at napakamot sa ulo hanggang sa itinaas na niya ang kanyang kamay at tumayo. "Okay, deal. Tomorrow, you'll start working as a receptionist, I will give someone for your orientation. Okay, see you around. May meeting pa ako at maiwan ko muna kayong dalawa."
Nang silang dalawa lang natira ay naghanap si Argel sa mesa ng natitirang pagkain kaya't sinita siya ng dalaga, "Psst! Uy! Ano ba 'yang ginagawa mo? Para kang aso d'yan! Pwede ka namang umorder kesa kainin mo pa ang tira-tira namin. Tingnan mo 'to."
"Syempre. Matakaw pa rin ako kahit ganito na ang katawan ko gaya nung mga bata pa tayo. Grabe ang plato mo, bestfriend. Parang hinugasan lang sa linis na pati sauce niya ay walang natira."
Natawa naman si Apple at tinapik ito, "Sira, pati 'yon napansin mo."
"Anyway, okay ka na? Wala ka nang ipag-aalala pagdating sa gastos mo at sa iyong pamilya."
"Argel, gusto ko ulit magpasalamat sa 'yo. Sorry kung ngayon lang ako sumipot. Nag-exam kasi kami. Salamat at iyong binigay mo ang pinambayad ko sa tuition ko sa katapusan ng semester namin. Ipagdasal mo na lang na makapasa ako at maka-graduate na sa Nursing."
Ngumiti naman si Argel sabay hinawakan ang kamay ng dalaga. "Oo naman. Sabay tayong mangarap. Ako rin kaya? Sagaran ang future pilot na bestfriend mo ngayon sa pag-aaral."
Nailang naman si Apple at iniwas niya ang kanyang mga kamay kaya nahiya din si Argel at namula sa kanyang ginawa.
Sabay silang natahimik, hanggang sa si Apple ay muling nagsalita, "Nagkita na ba kayo ng Fiance mo at may nangyari na?"
Nalungkot na may halong hiya naman siyang sinagot nito, "Wala nga, eh, kasi may period siya. Wala na rin siya."
Nagulat at natuwa nang patago sa kanyang nalaman si Apple. "Hala! Bakit naman kayo nag-break? Eh, kakasabi lang ng Kuya mo na kayo pa rin at malapit na kayo ikasal?"
"Hindi ibig sabihin na wala siya ay nag-break na kami."
Muling siyang sumimangot at natahimik, sabay nagkunwari, "Sorry, malay ko ba, bestfriend?"
"Ibig kong sabihin sa wala na siya ay bumalik na siya sa States. Doon kasi siya nag-aaral. Nagbakasyon lang siya rito. LDR kami ngayon pero in good terms pa naman. Ikaw, kumusta na ang papa mo?"
"Wala, ayon. May maintenance na gamot pa rin siya. Tapos dinadala namin sa doctor kapag malaki yung sugar count."
"Mabuti naman kung gano'n. Huwag ka masyadong lumapit kay Kuya, ha?"
"Bakit naman?"
"Halika, lumapit ka." Walang pasubali namang lumapit sa kanya si Apple kaya't bumulong ito. "Kasi manyakis iyon. Paiba-iba ng babae."
Natawa naman nang sobra si Apple sa mga nalalaman. Mukhang malayo iyon kay Denis dahil mukha naman itong mabait at seryoso. Biglang hinalughog na naman niya ang kanyang bag pack na ipinagtaka muli ng lalake. Hanggang sa kinuha ulit niya ang paperplanes.
"Oh, ano na namang pakulo 'yan, Apple? Diba naipakita mo na sa akin 'yan?"
"Kasi, na-realize ko na masyado ka nang mataas. Ang hirap mo nang mapantayan dahil para ka nang langit habang ako ang lupa."
"Sus, kahit naman ganito na ang estado ng buhay ko ay hindi pa rin ako nagbago! Ako pa rin ito. Ang bestfriend mo na palagi mo pinagtatanggol dahil binu-bully. Na dating kalaro, kasabay kumain, kasama sa tawanan, iyakan at lahat na," biro muli ni Argel hanggang sa napansin niya ang dimples ni Apple kaya hinawakan niya ito at tinapik siya.
"Uy! Ano ba, walang ganyanan! Bakit mo ako hinahawakan sa mukha? Crush mo ako, ano?" biro niya pero deep inside ay gustong-gusto niyang malaman kung meron nga bang pagtingin sa kanya ang binata.
"Hindi, curious lang ako sa dimples mo. Paano ka nagkaroon ng ganyan? Bagay sa 'yo."
"Ibig sabihin ay nakukyutan ka nga talaga sa akin."
"Sige na, oo na, kyut ka na. Dali, sabihin mo na kung bakit mo na naman inilabas 'yang paperplanes ko na 'yan."
Natahimik naman siya sabay tingin sa papel na eroplano. "Wala lang. Gusto ko lang na maabot ang langit kapiling ka."
Doon pa lang ay parang nagbibigay senyas na siya na kung pwede nilang gawin muli ang nangyari noong espesyal na gabi pero ayaw niyang diretsohin.
"Apple, naman, bestfriend. Gusto mo na nga mamatay, isasama mo pa ako."
Nainis naman si Apple sabay itinulak ito nang palambing, "Hay naku, Argel. Di mo naman gets, eh! Sige na nga. 'Wag na lang. Makauwi na nga at hindi ako pwede magpagabi."
Sabay tumayo ito't umalis padabog.
"Wait, ihahatid na kita. Hintayin mo ako!" pahabol ng binata matapos niya itong sundan patakbo.
MAKALIPAS ang ilang oras . . . matapos dumating ni Argel sa kanilang bahay ay ibinagsak niya ang katawan sa kama at lumalim ang iniisip. Pilit niyang inaalam kung ano ang ibig sabihin ni Apple sa sinabi niyang sabay silang pumunta sa langit.
Hanggang sa may naisip na siyang sagot kung bakit nasabi iyon ni Apple. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at tinawagan sa cellphone ang HR nila.
KINABUKASAN, habang masarap ang tulog ni Apple ay nagising siya matapos mag-ingay ang kanyang cellphone. Kaya naman dali-dali niya itong kinuha na may halong inis dahil halos hindi pa niya maidilat ang kanyang mga mata. Masyado pang maaga dahil 8 a.m. pa lang at hindi ito ang shift niya bilang receptionist. Nagulat siya nang makitang si Argel ang tumatawag. Para siyang nakuryente nang makita niya ang pangalan ng binata kaya agad niya itong sinagot kahit namamaos pa ang kanyang boses dahil sa bagong gising siya.
"Hello, sir. Bakit kayo napatawag?"
"Sir sir ka d'yan! Argel na ang itawag mo sa akin. Tumingin ka nga sa bintana ninyo."
Ginawa naman niya iyon. Nang kalikutin ng kanyang mga daliri ang kurtina sa bintana ng kanyang kwarto ay nagulat siyang andoon si Argel at nakasandal sa kotse nitong naka-park sa gilid ng apartment na tinitirhan nila.
"Oh my god! Ikaw ba 'yan? Ikaway mo nga ang mga kamay mo?" anas ng dalaga para makasigurado. 'Di naman siya binigo ng binata dahil kumaway nga ito.
"s**t! Paano mo nalaman ang location ko?" hindi mapakaling tanong niya.
"Tinanong ko ang HR about emergency contact number mo hanggang sa tinawagan ko ang mama mo at itinanong ang location niyo."
Namawis naman nang malamig si Apple. "Anong ginagawa mo riyan? Madaming masasamang loob d'yan. Tsaka bakit mo ako pinuntahan nang ganitong oras? Ang aga-aga, eh! Argel, naman!"
"I don't care. Didn't you forget about what I told you? I'm a skilled Martial Artist. I am here because I want to grant your wish."
Nagtaka naman ang dalaga matapos iyong marining. "Wish na ano?"
"Apple, naman, ang bilis mo makalimot! You said you want to go with me in the sky, right? In tagalog—gusto mo maabot ang langit kasama ako kaya sumama ka sa akin."
"Then why are you too early? Magpapakamatay ba tayo?"
"Basta sumama ka na. I am not kidding."
"It's a prank siguro?" pagmamatigas pa rin ni Apple hanggang sa magulat ulit siya nang nasa likuran na niya ang kanyang mama, papa at kuya. Lahat sila'y nakangiti hanggang sila na mismo ang namilit sa dalaga na mag-ayos at magmadaling sumama kay Argel.
Pagkatapos bumaba ni Apple ay nagtataka pa rin siya sa kung ano mang kalokohan ng binata. Hanggang sa pinasakay na siya nito sa kotse. Pagkatapos ng biyahe ay bumaba na sila sa kanilang destinasyon. Nanlaki ang mga mata ni Apple dahil first time niyang makakita ng ganoon.
"Can't believe this! Totoo ba 'to, Argel?" aniya sabay lumapit sa metal at pinukpok upang maniwala.
"We're in aviation, Apple. Oo, totoo lahat ng nakikita mo. At para mas lalo kang maniwala. Tara at pumasok tayo sa loob."
Dali-daling hinila ni Argel ang kamay ni Apple papasok sa kanyang Light Aircraft. Hindi makapaniwala si Apple sa mga nangyayari na makakapasok siya roon at makakasakay pa sa isang totoong eroplano na pangdalawahan lang na tao.
Nasa front seat siya at medyo kabado dahil first time niya sumakay sa Light Aircraft.
"Eto, suotin mo para 'di ka mabingi kapag nasa ere na tayo," nakangiting hayag sa kanya ni Argel.
"Grabe, ang effort mo, Argel. Hindi ko alam kung bakit mo pa ginagawa itong pakulo mo na 'to," nakangiting sabi ni Apple habang nanunubig ang mga mata.
"Tinupad ko lang naman ang sabi mo o hiling mo sa akin. Masuwerte ka at pinasakay kita. Naunahan mo pa ang Fiance ko. Pupunta na tayo sa langit kaya fasten your seatbelt na at lilipad na tayo."
Hindi mapigilan ni Apple ang nadarama. Lalo na nang dahan-dahan na silang lumilipad. Iyong kaba ay napalitan ng galak at pagkamangha lalo sa binata. Parang lalo pa siyang umasa na mayroong sila kahit kaibigan lang na matalik ang tingin sa kanya nito.
"Omg, Argel! Tingnan mo iyon! Ang ganda! Parang mga langgam lang ang mga tao!" hiyaw ni Apple na kinikilig sa mga nakikita sa bintana.
"Higpitan mo pa ang headphone sa tenga mo kasi mas lalo tayong tataas sa langit at mas maingay na roon! Mas maganda rin ang makikita mo roon," ani Argel kasabay ng pagngiti habang suot-suot ang Aviator Rayban Shades nito.
'Di napigilan ni Apple mag-enjoy tanawin ang buong mundo nang sila lang dalawa ang magkasama. Lalo na ang langit na madalas niyang makita. Ngayon ay katabing-katabi niya na ito na mala-higanteng cotton candy. Napakasaya niya—hinding hindi niya malilimutan ang mga sandaling iyon. Parang dinala siya sa ibang dimensyon ng mundo.
He made her life complete magmula nang ilipad niya ito sa langit. Mababaw man ang kaligayahan ng dalaga pero walang-wala o hindi niya ini-expect na mangyayari sa kanya iyon. Walang makakapantay sa pinadarama ng lalake sa kanya simula noon. Hindi niya alam kung paano niya pasasalamatan ang binata sa lahat-lahat. Kaya naman ay nasigurado na ng kanyang puso kung gaano na niya ito kamahal. Kahit patago lang, gagawin niya ang lahat upang mahalin din siya nito pabalik.