HINDI makapaniwala si Argel sa kanyang narinig pagkatapos malaman na ang kanyang na-hire na magbibigay sa kanya ng panandaliang aliw ay isang virgin.
“Get off me! Damn it!” sigaw niya kaya’t nagmadali ang babaeng nakasuot ng masquerade na medyo kulot ang buhok na umalis sa pagkakapatong sa kanya.
“Sh*t! You guys fooled me! I hired a f*cking prostitute because I don’t want to disappointed my fiance once we spend our honeymoon. Kailangan ko ng may experience sa kama, hindi ‘yung katulad mo na virgin din because I’m a f*cking virgin too! Now, Get the f*ck out of my room!” sigaw niya na kulang na lang ay sapakin niya ang babae sa tindi ng kanyang galit na nadarama.
Rinig ni Argel paano humagulgol ang babae pero pinilit niyang ‘wag pansinin iyon. Ngunit mas lalo siyang nainis nang naglakas loob itong sagutin pa siya.
“Sir, hindi po ba iyon parang panloloko na rin? Kasi malapit na kayong ikasal.”
Napahawak siya nang mahigpit sa wrist nito dala ng kanyang galit at napatanong nang pasigaw, “Why the hell do you care? Niloko mo na nga ako, tapos may gana ka pang pagsabihan ako? Just save your virginity for someone instead of blubbering nonsense. Wala kang pakealam sa gusto kong mangyari because you’re just a f*cking paid w***e—or soon to be a f*ck machine kaya umalis ka na dito kundi ay ipapa-police kita! O kaya ay kakaladkarin na lang kita palabas kahit babae ka! Pumapatol ako sa babae. Now, I’m counting. 1… 2…” ani Argel saka niya ito binitiwan nang malakas upang takutin.
Muli niyang narinig ang hagulgol ng babae habang nagbibilang siya pero napatigil siya sa kanyang ginagawa at nagulat matapos tanggalin ng babae ang suot nitong masquerade.
Her eyes were like a cupid arrow in his heart. Parang nahumaling siya sa itsura ng babae. Napakaganda nito—parang anghel na bumaba sa langit. Malayo ito sa mukha ng mga hostess na nakita niyang ipinarada sa kanya because this lady looks rich and luxurious. Kutis pa lang nito ay hindi mo mahahanapan ng kahit kaunting pimples o peklat. Para siyang angel in disguise sa mga mata ni Argel.
He was so speechless about her. Naghalo ang pagkasabik at awa na nadarama niya lalo na nang punasan dahan-dahan ng babaeng katabi ang mga mata nitong nagniningning dahil sa hindi mahintong pag-iyak.
“Sir, parang awa niyo na, ho. ‘Wag niyo po akong kaladkaran sa labas. Nagawa ko lang ito dahil kailangan na kailangan ko lang po talaga ng pera para sa ama ko. Eto lang po talaga ang tanging paraan dahil ayaw ko siyang mawala. Nagmamakaawa po ako. Mahal na mahal ko ang ama ko at gagawin ko ang lahat. ‘Wag lang siya mawalay sa aming pamilya.”
Hindi nakapagpigil si Argel. Hindi niya lubos maisip kung paano ito nakahubo’t hubad sa harapan niya na parang gusto pa niyang makita ang kabuuan nito. Ang tanging takip lang kasi nito ay ang puting kumot na gamit at pinagsasaluhan nila. He was mentally blocked. Masyado siyang natukso sa awra nito na napakaganda. Nakakasilaw ang maputing balat nito at mahirap puksain ang nagliliyab na init ng binata. Ang mga mata nitong nakakamatay ng isip kapag iyong tinitingnan ay parang nanghihipnotismo. Ang mabango nitong katawan at mahabang buhok, ang malalim nitong dimples at katamtamang laki ng dibdib at baywang ay nakakadagdag pang lalo sa alindog na taglay nito. Higit sa lahat ay ang malambot at mamula-mula nitong labi na tila masarap halikan at kagatin kung kanyang susuriin.
Nagulat na lang ang babae nang halikan siya nito bigla. Dahil no choice, nagpahalik siya kay Argel. Sino ba naman ang makakatanggi sa lalake na halos lahat ng babae ay mababaliw kapag siya ay nakilala dahil lahat na lang ay nasa kanya na. Gwapo, mabango, matipuno ang katawan, mabait at higit sa lahat ay may kaya sa buhay dahil sa isa siyang batang piloto.
Hanggang sa naramdaman nila ang maiinit na sandali kung paano nila tikman ang isa’t isa na parang uhaw na uhaw na hayop na naliligaw sa Desyertong Sahara. Hindi na alam ni Argel kung paano niya pinahiga sa kama at hinalikan mula kamay hanggang balikat papunta sa leeg at palakbay sa dibdib ng babae nang banayad.
Hindi maintindihan ni Argel kung bakit maingat siya masyado sa bagong kaniig dahil nang kukunin niya ang puri nito ay dahan-dahan siya sa kanyang mga galaw. Estranghero man sa kanya ito, masuwerte siya dahil birhen pa ito na siya ang nakauna. Parang takot na takot siyang masaktan ito kaya dahan-dahan din niyang inangkin ang p********e nito na parang isang kasintahan na iniingatang ‘wag masaktan sa kanilang one night stand.
Ganoon din ang babae na kaniig niya. Parang naging komportable siyang ibigay ang p********e o puri nito sa kanya dahil parang ang bilis niya nagtiwala matapos sabihin ni Argel sa kanya ang katagang, “Trust me, everything will be alright. Masakit lang ‘to sa una pero habang tumatagal ay hahanap hanapin mo ito.”
At hindi nga nagkamali si Argel. Pareho nilang nagustuhan ang mainit na pagtatalik. Pareho silang nasabik at nasarapan na kulang lang ay hindi na maghiwalay ang kanilang katawang basang-basa sa pawis matapos silang maubusan ng lakas sa kama. Kahit pareho lang din silang virgin at tanging gabay lang nila ay ang mga malaswang palabas sa TV ng hotel room na iyon ay hindi nila maintindihan kung bakit ganoon na lang kagaan ang loob nila sa isa’t isa na parang ayaw nilang pagsisihan ang bawat sandali.
Pagkatapos nilang maglaro ng apoy ay tahimik lang silang dalawang nakahiga at nakaramdam ng satisfaction sa isa’t isa. Kung pupwede lang nila ulitin ay gagawin ulit nila iyon pero binalot din sila ng hiya. Hindi nila alam kung sino ang unang magsasalita sa kanila pagkatapos ng mahabang katahimikan buhat nang ginawang hindi dapat.
Sa huli ay si Argel ang pumutol sa katahimikan, “Tapos na tayo. Kailangan na nating umalis kasi malapit na ang time dito sa hotel. Nakaisang oras na check-in na tayo.” Umupo ito at isinuot ang boxer shorts at ang slacks na mamahalin saka dinukot sa bulsa ang kanyang wallet, kinuha ang labing limang libo sabay inilagay sa kama na kinahihigaan ng babae.
“Ayan, tamang bilang lang ‘yan. Hope it helps your dad. Thanks for the great time. You’re too good for a first timer. What’s your name again?”
“I’m Apple de Luna.” Natigilan si Apple nang ma-realize niya ang sinabi. Naalala niyang ang gagamitin pala niya dapat ay alyas dahil first rule iyon sa trabaho niya bilang puta. Nang babawiin niya iyon ay hindi niya na nagawa dahil naunahan na siyang magsalita ng binata.
Nanlaki ang mga mata ni Argel, “Wait, are you sure?”
“Sorry po. Bawal pala sabihin ang totoong pangalan, sir.”
“No, it’s okay. Tell me if I heard it right. You’re Apple de Luna? Nakatira sa Cavite 696?”
“Opo, sir. Paano niyo po nalaman ang location ko?” pagtataka nito.
“s**t! Do you still remember me? I’m Argel! Remember? I’m your childhood bestfriend and neighbor on the place I’ve mentioned. Iyong bata na palaging binu-bully tapos pinagtatanggol mo palagi?” sunod-sunod na tanong nito sabay napalunok at medyo nailang habang tumatawa nang mahina.
Hindi nakapagtimpi ang dalaga kaya’t biglang sunod-sunod na bumuhos ang kanyang mga luha. Napayakap siya nang mahigpit sa binata at doon na niya ibinuhos sa balikat nito ang kanyang luha.
MAKALIPAS ang ilang minuto ay isinama ni Argel si Apple sa baba ng hotel. Nasa may restaurant na sila nang makasalubong nila ang bugaw nito na si Ivanah.
“Oh, kumusta? Bakit mo kasa-kasama ‘yang bagets na ‘yan? Tapos na ba ang laban? Nakuha mo na ba ang bayad? Tumawag ang mama mo at kailangan na kailangan ka niyang makausap.”
“Ah! Wait lang, Argel. Ito pala iyong Tito ko—kaibigan ni mama,” pakilala sa kanya ni Apple.
Parang nangasim naman ang mukha ni Argel, “This gay is a pimp? Then stop calling him your Tito dahil walang matinong kaanak na handang ibenta ang laman ng pamangkin. You’re too lucky that I changed my mind on reporting you for scamming me about her, Ivanah. She’s a virgin at alam ko na lahat. Sabi mo, ang galing niya kumayod sa kama pero palabas mo lang pala ang lahat. I shouldn’t trust you in the first place. Pasalamat ka at kilala ko siya at matalik na kaibigan pa noon. Kaya hihiramin ko muna siya. I need her to stop working with you and your hoe! Stop poisoning her mind. Now, let’s go, Apple.”
Agad hinawakan ni Argel ang kamay ng dalaga at hinila para lang ilayo sa bakla nitong bugaw.
Matapos nila pumasok sa isang magarang cafe house ay doon na nagsimulang magtanong at mangamusta si Argel sa dalaga. Panay sagot naman sa kanya ni Apple patungkol sa buhay niya at kung paano talaga siya nauwi sa pagiging prosti.
Hanggang sa bigla niyang kinuha ang kanyang bagpack at kinuha roon ang isang bagay na magpapaalala sa kaibigan. Ipinakita niya rito ang paperplanes na kahit niluma na ng panahon ay hindi niya nagawang pabayaan kasama ang pangalan ng binata na siyang itinago niya mula pa nang nasa Saudi pa sila ng pamilya niya.
“Wow! Cool! Nasa iyo pa pala ‘yan.”
“Oo, bumalik kasi kami sa Pilipinas noong bata pa ako upang magbakasyon ulit pero sabi nila ay wala ka na raw at ang pamilya mo sa bahay ninyo dahil lumipat kayo sa ibang lugar.”
“Yes, it’s true. Na-promote kasi si papa. Hanggang sa mag-migrate kami sa America at doon na ako nagpatuloy ng pag-aaral. Sa mga natutunan ko rin sa ‘yo, I tried learning martial arts kaya walang sinumang nakapam-bully sa akin. Anyway, Apple, can I ask you a favor?”
Tumaas naman ang kilay ng dalaga sa sinabi nito at napatanong, “Ano ‘yon?”
“It’s not that late para baguhin ang kapalaran mo. I know you heard about what I said to your gay uncle. I just want to tell this. Please, tumigil ka sa ganitong trabaho kung maaari. I don’t want to see you with him anymore. Tama na iyong nangyari sa atin. Here, take my business card. Simula ngayon, tanggap ka na sa Pulmano Company as a Receptionist. Iyan na ang bago mong trabaho simula ngayon. Don’t worry, company ‘yan ng family ko kaya wala kang dapat ipag-alala. Pwede ka na magsimula magtrabaho without interviews tomorrow, today or the other day. Anytime you want—and I also wanted to say sorry.”
Muling pumatak ang mga luha ni Apple kaya hindi napakali si Argel at kinuha niya sa kanyang bulsa ang nakatagong panyo para punasan ang mga luha nito. “Sa iyo muna ‘yang panyo.”
“Sorry if masyado akong iyakin, Argel. Sobra sobra na kasi itong ginagawa mo. Hindi ko alam paano kita pasasalamatan o babayaran kasi nag-aaral ako ngayon ng Nursing. Sobra talaga iyong gastusin namin. Kung ano man ang sorry na iyon na gusto mong sabihin sa akin ay sobra-sobra na kitang pinapatawad.”
Napabuntong hininga naman si Argel sa sinabi nito at itinuloy pa rin ang sasabihin sa paghingi ng tawad, “I have to say this because it bothers me. Gusto kong mag-sorry dahil nagalaw kita ngayong gabi. Hindi ko gawain na mambastos ng babae. Mahal na mahal ko rin ang Fiance ko. All I said to you is true. I hired a prostitute dahil malapit na kaming ikasal and I promised her that we’ll have s*x after marriage. Relihiyoso kasi akong tao. Iyong tatlo kong kaibigan na mga piloto ang nanudyo sa aking isama ako rito sa kalokohang ito at sila rin ang nagbigay ng ideya para daw hindi ko ma-disappoint ang Fiance ko for our first night on honey moon. Sadyang napakaganda mo lang, bestfriend, na kahit sinong lalake ay hindi pwedeng hindi maakit. Don’t worry. This is the last, and this will never ever happen again, Apple. I promise.”
“Isipin mo na lang na parang Aksidente lang ang nangyari kaya wala iyon. Ano ka ba? Alam ko naman na walang mangyayari sa atin if nalaman mo agad na ako pala ito—iyong kababata at bestfriend mo na si Apple.”
Masakit man tanggapin iyong sinabi ni Argel ay napilitan na lang si Apple na ipakita na hindi siya apektado sa nangyari sa kanilang dalawa. Kahit apektadong-apektado naman talaga siya.
“Mabuti naman kung gano’n. Don’t you know that my Fiance is also pretty? As pretty as you too! Kaya baka napagkamalan kitang siya sa kama. Eh, Ikaw naman? May boyfriend ka na ba?”
“Ano ka ba? Virgin ako tapos iisipin mo na may boyfriend ako? Pilosopo ka, ha?” natatawang sabi ni Apple sabay tapik nito nang mahina. Nagpalitan sila ng ngiti sa isa’t isa—iyon nga lang ay pilit na ngiti iyong kay Apple at sumasakay lang siya rito. Natigilan sila nang mag-ring ang cellphone ng binata.
Tiningnan naman ito ni Argel. “It’s my Fiance. Sorry, Apple. I have to go. Here, take this. I’ll also pay the bills for this cafe shop. I’ll wait you some other day in Pulmano’s Company Building,” anito sabay tumayo at nagmadaling umalis.
Nalungkot naman si Apple na may halong selos dahil iba na ang pakiramdam niya sa matalik na kaibigan pagkatapos ng mangyari sa kanila. Tila malaking bagay na ang gabing pinagsaluhan nila. Hirap niya itong makalimutan at burahin sa isip lalo na’t binigyan pa siya nito ng trabahong marangal at siya ang nakauna sa kanya. Hindi niya alam kung gano’n din ang nararamdaman ng binata sa kanya.
Pagtingin niya sa inabot at iniwan sa kanyang sobre ni Argel ay nagulat siya nang makita ang ang laman noong dalawampung libo. Halos forty thousand pesos ang kinita niya sa gabing iyon!