Chapter 69 Vitorio/Lander Pagdating ko sa Tagaytay sakto naman na pagpasok ko sa loob ng bahay ni Angela ay parang nagtatalo sina Daddy. “Anong nangyayari rito?” tanong ko sa aking kapatid at kay daddy. Saglit na tumingin si daddy sa akin at muling bumaling ang tingin niya sa babae na inampon ni Angela. Parang nagtatalo-talo sila at parang takot na takot ang babae habang nakatago ito sa likuran ni Angela. Ilayo mo ang kapatid mo sa babaeng iyan, Lander!” mariin na utos ni Daddy sa akin. Nagtataka akong tumingin kay Angela. “Ano ba talaga ang nangyayari, Angela? Lumabas na ang lab test mo. Tatlong buwan ka ng buntis,” tanong at sabi ko sa aking kapatid. Nanlaki ang mga mata niya na halos hindi makapaniwala sa sinabi ko, subalit tikom ang kanyang bibig at parang wala siyang balak magsa

