PAGKARATING PA LAMANG NI MACA sa Lillian University ay kakakitaan na kaagad ng pagtataka ang dalaga dahil halos lahat ng estudyante sa hallway ay talagang nakatingin sa babae. Hindi pa niya alam kung anong problemang kinakaharap ngunit literal ang bumundol na kaba sa kaniyang dibdib. Panay ang irap ng mga babaeng nasa gilid at halos parang kandila kung tunawin ng kanilang mga tingin. ‘Anong problema ng mga babaeng ‘to?” Nang makapasok sa loob ng silid na inuukopa’y biglang natahimik ang mga taong nasa loob ng kuwarto, maging ang mga kaibigan ay biglang umiiwas ng tingin sa kaniya. Inilibot ni MaCa ang mga mata sa naroroon at pilit inaalam kung anong problema ng mga kasamahan. Ang tanong sa kaniyang isip ay kaagad nasagot ng pumasok ang mortal na katunggali ng dalaga at halatang namumug

