KABANATA 16.2

1258 Words

Hindi alam ni MaCa kung paano malulusutan ang ganitong sitwasyon. Lalo lamang siyang namomoblema lalo’t malapit na’ng final competition. Bawat hataw ng dalaga’y nagsasaad ng kakaibang galit sa hindi mawaring rason. Ang kaniyang mga pilantik at bawat hubog ay nagsasabing kailangan niyang maging matapang sa pagharap sa suliranin na kinakaharap sa ngayon. “Prinsesa, hindi po ba kayo mahuhuli sa inyong gawain mamaya?” Walang kibo si MaCa ngunit patuloy na umiimdayog kahit iisa lamang sa malawak na gymnasium. Maya-maya’y nahinto ang dalaga ng mayroong pumalakpak sa kung saan. Nahinto si MaCa at lumingon mula sa entrada, doon ay hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa taong papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Si Precious ang patungo roon at makikita ang kaniyang sarkastikong mga ngiti haba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD