Nakaalpas si Manong Pilo sa portal na naghahati sa mundo ng mga mortal at nang Emerit, ang tangi niyang kailangang gawin ay makita si Maca. Hindi maaaring mangyari ang penomena nang walang kaalaman sa pagsasagawa nito. Mayroong maitim na balak na pipigil sa mga magaganap nang araw na iyon. Walang patumpik-tumpik na lumabas ang ginoo sa mala-abandonadong kabahayan subalit hindi alam ni Manong Pilo kung saan ang una niyang tutunguhin gayong tiyak niya na hindi siya makababalik sa mansiyon nina MaCa. Patuloy na lakad-takbo ang ginawa nito hanggang sa makakita ang matanda nang maliit na silungan sa gilid. Buti na lamang at nakatikim si Manong Pilo ng kakarampot na kapangyarihan ng talon kaya't bahagyang nabalik ang lakas nito subalit hindi maaaring manatili sa ganitong kalagayan sapagkat iil

