Nadatnan niyang abala sa pagluluto si Martin sa kusina. Nakaharap ito sa kalan. Habang si Kulas naman ay abala sa paghihiwa ng mga gulay. "Good morning ho, Señorita," bati ni Kulas nang mapansin siya. "Good morning din," nakangiting bati ni Jasmine sa kay Kulas. Napalingon naman si Martin. "How about me? Wala ba akong good morning?" Matamis na nakangiti ito sa kanya. "Good morning," malumanay niyang sabi. "Kulas, pakitingnan nga muna ang niluluto ko. Pagtitimplahan ko lang ng gatas si Jazzy Baby." Nakita ni Jasmine ang pagkagulat sa mukha ni Kulas. "Ako nang nagtitimpla," nahihiyang wika niya, at tinungo ang disk rack. "Ipagpatuloy mo na lang ang pag-asikaso sa niluluto mo. Mukhang masarap ang niluluto mo." Kumuha si Jasmine ng isang katamtaman na tasa mula sa dish rack at bum

