CHAPTER 7

1170 Words
Tanghali na nang magising si Jasmine. At nang pababa siya ng salas ay nakita niyang seryosong nag-uusap sina Martin at Lindon. Marahil narinig ng mga ito ng yapak niya, kaya bigla napalingon ang mga ito sa gawi niya. Parehong sumilay ang ngiti sa labi ng dalawa. "Good morning, mga Kuya!" masigla niyang bati sa mga ito, at ngumiti ng tipid. "Good Morning, too, Sunshine," nakangiting wika ni Lindon sa kanya. "Go straight to the kitchen nang makakaain kana. May nakahandang almusal na roon." Tumango lang siya at agad na dumiretso sa may kusina. Nadatnan niyang nagtitimpla ng gatas si Nay Debra. "Good morning, Nay," masiglang bati niya sa kay Debra, at humugot ng silya saka marahan na umupo. "Oh, good morning din, Iha," nakangiting sabi ni Debra sa kanya, at naglagay ng plato sa kanyang harapan. "Kumain ka na at inumin mo itong gatas," dagdag pa nitong wika saka nilagay ang gatas na tinimpla sa gilid niya. "Kumain na po ba sila Kuya?" "Oo, kanina pa," sagot nito, at kinuha ang takip ng pagkain nakalapag sa mesa. Napangiti si Jasmine nang makitang may sunny side up eggs, bacon, hotdogs, donuts, muffins, shrimp and broccoli fried rice at ceasar's salad. "Hmm... This is heaven. Naku, Nay, halatang hindi ikaw ang nagluto," tudyo niya sa yaya, at masiglang nagsandok ng pagkain. "So hindi masarap ang niluto ko?" naiinis na tanong ni Debra sa kanyang alaga. Nakaangat ang kilay nito. "Sus, iyan lang! Kayang-kaya ko 'yang iluto.". Mahinang napahagikhik si Jasmine. "Ang Nay Debra talaga napaka-sensitive. Masarap kayong magluto. Ang ibig ko pong sabihin nang 'halatang hindi kayo ang nagluto' kasi kapag kayo ho, hindi ganito karami ang nakahain sa mesa na parang fiesta or bibitayin na ako bukas." "Kasi nga dapat matuto kang magtipid, Minang. Madami ang nagugutom at kakarampot lang ang kinakain. Hindi sa lahat ng oras may pambili ka ng pagkain. Hindi porke't madami kang pera ay subra-subra ang iyong almusal," wika nito, at umupo na din sa harap niya. "Hindi sa pinagdadamotan kita. Nais ko lang matutunan mo ang halaga ng bawat sentimo. Hindi natin alam ang kapalaran kaya mas maigi ang magtipid at magtabi para kahit may unos mang dumating ay may dudukotin kang pera. Lumaki din sa karangyaan ang inyong mga magulang subalit hindi sila umaasta na mayaman pagdating sa hapagkain maliban 'pag pasko at bagong taon.." Napangiti si Jasmine at tumigil sa pagkain. "Alam ko ho, Nay Debra. Hindi ko din ho nakakalimotan ang mga bilin ni Mama. Kaya nga ho, nagpapasalamat ako sa inyo. Kahit na namatay na ang aming mga magulang ay nasa poder pa rin namin kayo. At dahil sa subrang pagmamahal po ninyo sa amin ay nakalimotan niyo na po pati ang love life ninyo." "Love life? Huwag na, Minang," naaalidbarang wika ni Debra. "Ayokong kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko. Ang mga lalaki yawa, deputa at letse lang 'yan sa buhay." "Naku, Nay Debra, kumain na nga lang kayo. Baka kung saan na tayo mapunta niyan," natatawang sabi nu Jasmine, at nilagyan ng pagkain ang kanyang plato. "Ang aga-aga baka mag-crying lady pa kayo. Ayaw ko ho makinig ng history. Nakakasuka ang araling panlipunan." dagdag pa niya na ikinalaki ng butas ng ilong ni Debra. "Aba'y salbahing bata ka!" wika ni Debra, at umiling. "Kumain ka na nga lang!" JASMINE immediately went to the garden after breakfast. At naabotan niya sina Martin at Lindon na may tinitignan mga papeles. Ayaw niyang istorbohin ang dalawa kaya nagpasiya siyang bumalik ng kwarto at kunin ang kanyang mga libro at notebooks. Dala ang mga ito, ay tumungo siya ng pool area at umupo sa may round table na nasa dulo nito. Marahan na inilapag ang kanyang mga libro at notebooks. Nasa huling taon na siya na siya ng senior years sa high school. Kaya dapat siyang magsikap at mag-aral ng maigi. At masasabing isa siya sa mga Dean Lister sa kanilang campus. Kung tutuusin pwede siyang magpabaya sa pag-aaral. Kaya lang nasasayangang siya sa sholarship niya. Yes, in the future, she can be a CEO of her own company kahit na pasang awa ang mga grades niya. Makakapagtrabaho pa din siya dahil maraming silang businessess. Isa sa mga mayayaman ankang ang mga SANDOVAL sa buong Pangasinan. At nasa pang-apat ang kanilang kompanya sa highest income earner sa buong Northern Luzon. Kaya masasabing nabuhay sila sa karangyaan. Subalit hindi sila ganoon pinalaki ng mama niya. Lagi nitong sinasabi na huwag pakasiguro sa kasulalukuyan at hinaharap sapagakat ang yaman ay maaaring mawala sa isang kurap. At ang lahat ng parangarap ay maaring gumuho sa isang pagpikit ng mata. Nang mamatay ang kanyang ama't ina ay ipinamana sa kanya ang kalahati ng kanilang ari-arian. Subalit makukuha niya lang ito kung pagdating niya ng bente singko. At dapat matupad niya ang dalawang kondisyones. Una, dapat makapagkatapos siya ng kolehiyo. Pangalawa, dapat hindi pa siya sa nag-aasawa sa edad bago sumapit ang ika-bente singkong kaarawan niya. Alam niyabg may kondisyon din na nakalakip sa mana ni Lindon. Kung ano man iyon ay tanging si Kuya at Nay Debra niya lang ang nakakaalam. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga, bago binuklat ng kanyang libro. Kailangan niyang mag-aral para makuha ang pinakamataas na grado. SAMANTALANG walang siyang kaalam-alam sa takbo ng usapan nina Martin at Lindon. "You cant be serious, Lindon! It's too early para gawin mo 'yan," banas na wika ni Martin, at hindi makapaniwalang tinignan ang kaibigan. "Tama lang na gawin ko ito, Martin. Nalulugi na ang kompanya dahil sa paggagamot ko. I've been spending too much money for my treatment. Ilang doctor na ba ang gumamot sa akin? At ilang bansa na ba ang pinuntahan ko para magpagamot. But all in vain. Ang trust fund lang ni Sunshine ang tanging ko hindi nagalaw. Kaya please buy my share and my company and be her guardian. When she turns twenty-five, marry her. Nasa Last Will and Testament ng aming mga magulang na tanging ang lalaking bibigyan ko ng guardianship niya ang pwedeng maging asawa niya!" "That's bull s**t, Lindon! And I can believe you're talking about her l marrying as if she's just a commodity, goods or something. May saliring kagustohan ang kapatid mo at maging ako." "I know but you can.marry her sa Canada ang divorce her after two years. She can get her hesitance and you can have 80% hold of her company. It's the best that I can do para masigurado na hindi siya maghihirap at iiyak. I know you can.learned to love her. At ganoon na din. You're the only man I can entrust my sister. Please... let me die peacefully." nagsusumamong pakiusap ni Lindon sa kaibigan. Martin heaved a deep sigh and massages his temple. "You're playing with my emotions, Lindon which is I don't like but for the sake of our friendship, I will accept your will. Sana lang ay matanggap ni Jazzy na ipinagkanunu mo siya sa akin," mahinang wika ni Martin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD