=JASMINE= Sa inis at galit ko sa kay Martin ay apurado akong naglakad pabalik ng mansyon. Kahit na panay pa ang tawag niya sa akin ay hindi ko siy pinapansin. Kainis! Napakahina niya pa unawain kesa kay Kuya. Ano ba kasi ang himutok niya? Hindi ko naman siya inutusan na umigib! Malayo-layo na din ang aking nilakad nang bigla may pumigil sa akin kamay. Kahit hindi ko tignan ay alam ko na kung sino, sa kamay pa lang niya ay natitiyak kong si Martin ang Pinigil sa akin. "What the hell is wrong with you?" parang inis na tanong niya sa akin. Mataray ko siyang hinarap. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "Should I ask the same question? Ano ba kasi ang kasalanan ko ha? Na kailangan mo akong sigaw-sigawan doon, when in the first place, hindi kita inutusan na igiban ako. Hindi na n

