LINDON IT WAS THE FIRST TIME na pinagtanggol ni.Jasmine si Martin. Dapat matuwa na ako dahil kahit paano ay napapalapit na si Martin sa kanya. Subalit bakit parang hindi ako masaya? Damn! Bakit parang napakabigat sa puso? Sinaway ko ang aking saliri. Hindi ako dapat magkaganito. Kailangan maging maging mas malapit pa sila sa isa't-isa. "We need to talk, Lindon," dinig kong wika ni Martin. "We have nothing to talk about," suplado kong wika, at hindi na ako nag-aksaya na lingunin ito. "There's a need," giit niya. "Akala ko ba gusto mo mapalapit si Jasmine sa akin? At ngayong nangyari na parang 'di ka masaya? Pinagsabihan mo pa ang bata." Para akong pinana sa puso. Bull's eye! Napatigil ako sa paglalakad, at bahagya siyang hinarap. "Maybe because I'm scared na mas mahalin ka n

