Nang natapos silang magligpit ay agad na tumungo si Debra sa silid na itinuro sa kanya. Magkatabi ang silid niya at ang silid ng alaga. Nang marating niya ang kanyang silid ay agad niyang kinatok ang kwarto ng alaga subalit walang nagbukas sa kanya. Sinubukan niya pihitin nag seradura nang mabuksan ay hinanap ng kanyang mata ang alaga subalit walang Jasmine na nasa loob ng kwarto. Mamaya pa'y hinanap niya sa salas at sa may harden subalit hindi niya pa rin ito matagpuan. Lalo siyang nabahala nang tinawagan niya ang numero nito ngunit ring lang ng ring. "Diyos ko, 'wag naman sana," kinakabahan niyang wika, at tinawagan uli ang numero ni Jasmine. "Saan kaya nagpunta ang batang iyon?" Tinawagan niya uli ito pero gaya ng kanina, hindi pa rin ito sumasagot. "Hays, iniwan niya 'ata ang cp niy

