=MARTIN= PAREHO kaming napatingin ni Lindon sa bawat isa. Lihim din na nag-alala ako. Sa araw-araw na kasama ko si Jasmine ay unti-unting nahulog na ang loob ko sa kanya. At iniisip ko pa lang na maaring magalit sa akin dahil sa paglilihim namin ni Lindon sa kanya ay 'di ko maiwasang mangamba. Pasimpleng ko siyang nilapitan para marinig pa ang kanilang usapan. "Oo naman, tiyak na mauunawaan din ni Kuya Lindon kung bakit dito ka muna. Loka ka talaga. Hindi magagalit iyon. Mabait na tao si Martin," dinig kong sabi niya. "Yes, asahan mo. Madami akong ikwe-kwento sa 'yo." "Sino ang kausap mo? Is everything alright?" mabilis kong tanong sa kanya. "Nanggugulat ka naman eh!" nakangusong niyang wika. "Saka everything is not alright, sigaw-sigawan mo ba naman ako." Bahagya siyabg tumalikod

