Hindi alam ni Martin kung paano ipapaliwanag kay Olga ang lahat na hindi siya nito pag-iisipan ng masama at the same time, hindi din nito sasaktan si Jasmine. Napatigil siya. Bakit parang kapag si Jasmine ay pag-uusapan ay parang ayaw niya itong masaktan ninoman? Matagal na sila ni Olga. For the last five year ay ito na ang karamay niya. They're living together and totally agrees with everything lalo na pagdating sa kama. Kung tutuusin si Olga ay maituturing niyang common law spouse na. Kasal na lang ang kulang sa kanila. Siya din ang nakauna sa babae. Tanging bendisyon na lang ng kanyang mga magulang ang kulang. At iyon ang hindi makuha ni Olga. Hindi nito makuha ang loob ng kanyang ina. Hindi niya din alam kung bakit? Basta tahasang sinabi ni Mama niya na magpakasal lang siya sa ibang

