When they reached the house, she immediately went to her room upstairs and pull put some clothes. Kahit na gusto niyang maligo pa ay hindi niya na magawa dahil pinagmadali na siya ng binata. Samantalang si Martin naman ay marahan na tumungo ng kusina para sana gumawa ng sandwich na dadalhin nila. Papasok na sana siya ng kusina ng marinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga tiyahin. Napa-krus si Karing sa nalaman. "Nawawalan ka ba ng wisyo? Bakit ka pumayag? Alam mo naman na nandito pa si Martin. Paano kung biglang silang magkatagpo dito? Sige nga?" nag-aalalang tanong Karing sa kapatid. "Hindi niya naman alam ang hitsura ni Talya. Kaya kung magpang-abot man sila walang problema. Di sabihin natin kaibigan natin," kaswal na sagot ni Meling. "Saka lumagay ka naman sa katayuan ko, paano ko

