HABOL ko ang hininga nang paghiwalayin niya ang aming mga labi. Akala ko ay tapos na pero hindi pa pala. Mas maalab ang sunod na halik na kanyang ibinigay sa akin. Naramdaman niya yata ang panghihina ko dahil hinigpitan niya ang pagkakapulupot ng braso sa akin. Ang maalab na halik ay nauwi sa mabagal. Para bang ninanamnam niya ang bawat sandali. Ang init na nararamdaman ko ay mas lalong nag-alab dahil sa mararahang haplos ni Demetrius. Napahingal ako nang maramdaman ang kamay niyang pumasok sa loob ng suot kong shirt. "D-Demetrius," tila nahihirapan kong sambit. Mula sa mga labi ko, bumaba ang halik niya sa aking leeg. Napangiwi ako dahil sa pagsigid ng kirot doon. Magrereklamo sana ako ngunit agad ding nawala sa isip ko ang ginawa niya nang maramdaman ko ang kamay niyang pumasok sa lo

