Masakit ang katawan ko nang magising kinaumagahan. Kung hindi lang malambot ang kinahihigaan ko at malamig baka nagmumura na ako ngayon. Nakabusangot akong umupo sa kama. Mahina akong napamura nang biglang kumirot ang balakang ko. "Ang sakit naman ng balakang ko!" gigil kong bulong. Minasahe ko ang aking balakang habang inaalala ang mga pinaggagawa ko kagabi. Napatigil ako sa pagmasahe nang may ma-realize. Sa bawat pag-ikot ng tingin ko sa kabuuan ng kuwatrong kinaroroonan ko ngayon ay siyang paglaki ng mga mata ko. Muli akong napamura at nagmamadaling umalis sa kama. Alam na alam ko kung kaninong kuwartong ito! "Ang galing, Ember! Tutupiin sa walo, ha?" naasar kong bulong sa sarili. Nakita ko ang bag na nasa maliit na lamesa sa paanan ng kama. Kinuha ko iyon at akmang lalabas nang ma

