NAPATITIG ako sa dalawang mala-ataul na gawa sa semento na nakadikit sa sahig. Sa gitna noon ay may lamesa at mga sangkap na hindi ko alam kung ano. Madilim ang lugar na ‘to at tanging ang mga kandila at sulo lang ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Wala na kami sa condo. Kinagabihan, umalis kami at pumunta rito. Nasa gubat kami at malayo pa sa sibilisasyon. Tago rin ang parteng ito ng kuweba. Dito isasagawa ni Lilith ang seremonya. Dito rin mananatili ang katawan ko at kaluluwa ni Drusilla habang sinasagawa ko ang plano nila.
Ang akala ko nga noong una ay magpapalit kami ng katawan pero hindi. Mananatili ang kaluluwa ni Drusilla rito pati na rin ang katawan ko. Tanging ako lang at katawan ni Drusilla ang dapat na nasa labas.
“Be ready,” saad ni Drusilla.
Patindi nang patindi ang kaba ko sa bawat salitang latin na lumalabas sa bibig ni Lilith. Isa siyang mangkukulam. Hindi katulad nang napapalabas sa tv. Mas bihasa siya sa mahika dahil siya raw ay galing sa linya ng mga unang mangkukulam.
Si Drusilla naman ay isang bampira. Hindi lang basta. May mataas na ranggo ang pamilya niya sa kaharian na nagngangalan daw na Crastrense. Kaya hindi siya nasusunog sa araw, takot sa bawang at kung ano-ano pa dahil may dugo siyang maharlika.
“It’s time, Drusilla,” saad ni Lilith sa mababang boses.
Sinenyasan ako ni Drusilla na humiga sa kabilang mala-ataul. Tulad ng sa mga mummy na pelikula. Nanlalamig ang mga palad na humiga ako roon. Gano’n din ang ginawa ni Drusilla.
“Close your eyes, Ember,” utos ni Lilith.
Kasabay nang pagpikit ng mga mata ko ang paglagay niya ng pantakip sa kinahihigaan ko na gawa rin sa bato. Tila may kung anong mahika ang bumalot sa ‘kin at maski ako naramdaman ang paghinto ng puso ko. Naramdaman ko ang pagpayapa ng katawan ko hanggang sa tuluyan akong lamunin ng dilim.
At ang tanging naririnig lang ay ang lating lumalabas sa mga labi ni Lilith.
HINIHINGAL akong napabangon sa kama. Ang pakiramdam ko ay parang ang tagal kong hindi huminga. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib at huminga nang malalim.
Nang kumalma ang puso ko saka ko inilibot ang tingin sa paligid. Hindi ito ang kuwarto ko. Masyado itong malayo. Bukod sa napakalaking kama at putting bedsheet, mamahalin ang mga figurine sa paligid. Sa kaliwa ko ay may sala set na halatang hindi basta-basta ang presyo.
“Nasaan ako?” bulong ko.
Ang huling natatandaan ko ay ang paghiga ko sa ataul na semento hanggang sa makatulog ako. Si Lilith ba ang nagdala sa ‘kin dito?
“Welcome to your new world, new Drusilla!”
Bumalik ang tingin ko sa sala. Nakasandal na si Lilith sa hamba ng pintuan. Para kasing dalawang kuwartong pinagsama ito. At isang pinto ang nagdurugtong kung saan kita ko sa higaan ang sala.
“N-new world?” lutang kong tanong.
“Yes!” Lumapit siya at umupo sa paanan ng kama. Nakatukod ang isang kamay. “You are here in our University. Crescent University. This school has mixed students. There are mortals, vampires, witches, and even half vampires! Everything! You won’t be out of place. But be careful. No mortal knew monsters are lurking and pretending to fit in their world.”
Tulala akong tumango. Hindi ako makapaniwala na totoo pala ang mga myth tungkol sa kanila. Kaya walang naghihinala dahil nakikibagay raw sila sa amin.
“About your tasks. I want to warn you again, Ember. Demetrius Augustus is not the type of man who f*cks everybody. He’s the crown prince of Crastrense Kingdom. What does it mean? It means he’s clever and not an easy person. It isn’t easy to catch his attention. So please, don’t be a b***h like Drusilla,” saad niya.
Tango lang ang naging sagot ko sa kanya.
“Just be yourself. Enjoy your privilege as Drusilla Mortem. Don’t stress yourself because I don’t want you to f*ck up. Are we clear, Ember?” sumeryoso ang boses niya.
“Naiintindihan ko,” tipid kong sagot.
Tumayo siya at inayos ang buhok. “Your classes will start at eight. Be ready. Your schedule is written in your notebook. See you around, Drusilla.”
Nakatingin lang ako hanggang sa makalabas siya. Tumayo ako saka tinungo ang salamin. Napahinga pa ako nang malalim dahil mukha na ni Drusilla ang nakikita kong repleksyon.
“Mapanindigan ko kaya ‘to?” bulong ko.
Oo.
Dapat ko ‘tong panindigan dahil nakasalalay ang buhay ko rito. Kapag pumalpak ako. Wala na ngang pera, tiyak na ikamamatay ko pa.
Umalis ako sa pagkakatayo sa harap ng salamin at pumasok sa banyo na narito sa kwarto. Hindi rin papatalo sa ganda ang banyo ni Drusilla. Mukhang gawa pa ’ata sa ginto ang bathtub.
Matapos kong maligo. Sunod kong isinuot ang uniform na naka-hanger sa walk-in closet. Napangiwi pa ako sa iksi ng skirt. Kaunting yuko ko ’ata rito. Kita na kaagad tumbong ko.
Sunod kong sinuklay ang mahaba at itim na buhok. Katulad nang nakagawian ko. Tinali ko iyon. Ponytail. Ayoko kasi na may nakasagabal sa mukha ko kapag lumalabas o pumapasok sa campus.
Kinuha ko ang bag na nasa lamesa. Nakuha ng atensyon ko ang tseke na nasa tabi. Namilog ang mga mata ko nang makita ang halaga. Ibinulsa ko iyon. Ito na marahil ang paunang bayad ko.
Malaking hallway ang tumambad sa akin. May ilan pang mga kuwarto ang nadaanan ko. Dorm ’ata ang building na ‘to ng mga babae. Wala akong nakasalubong na lalaki, eh.
Habang naglalakad, napansin ko ang pag-iwas ng mga nakasalubong ko sa ‘kin. Mukhang hindi yata maganda ang reputasyon ni Drusilla.
Tiningnan ko ang schedule na sinabi ni Lilith. “Paano ko ‘to hahanapin? ‘Di ko naman kabisado ‘to.”
Napakamot ako sa ulo. Mangangapa pa ata ako nito.
Nagtuloy ako sa paglalakad. At dahil hindi ako nakatingin sa daan. Bumunggo ako sa kung sino.
“Sorry!” paumanhin ko.
Nag-angat ako ng tingin sa babae. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa ‘kin. Reaksyon na hindi ko inaasahan.
“Bakit ganyan ang reaksyon mo?” kunot-noo kong tanong.
Mabilis siyang umiling. “W-wala.”
Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon. Tutal nandito na siya sa harap ko. Tinanong ko sa kanya kung saan ang room ng first subject ko. Sinagot niya rin naman.
“Thanks!”
Napatanga uli siya sa ‘kin. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy sa paglalakad. Sinundan ko ang direksyong sinabi niya.
Ang laki pala ng Crescent University na ‘to. Napapaisip nga ako kung sino-sino rito ang hindi tao. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-amaze dahil hindi lang kami ang naninirahan sa mundo ‘to o matakot dahil dinepek sila bilang halimaw ng mga tulad kong tao.
Napansin ko ang isa pang building. Mula roon lumalabas ang mga kalalakihan. Iyon yata ang building nila.
Wala akong balak magtagal pero may nahagip ang mga mata ko. Tila na-magnet ang mga mata ko sa abuhing mga matang iyon. Mula sa malayo, nakatayo ang isang matangkad na lalaki. Walang kangiti-ngiti sa labi niya ngunit kahit gano’n, tila may kakaiba sa kanya dahil bukod tanging sa kanya ako napatitig.
Kahit malaki ang pagitan namin. Parang isang buwan na nagre-reflect ang mga mata niya sa araw.
Napabalik ako sa realidad nang ismiran niya ako. Kusa tuloy tumaas ang kilay ko. Ano’ng problema nito? Matapos kong purihin, susungitan ako?
S’yempre hindi ako nagpatalo.
Tinaasan ko rin siya ng kilay sabay irap.
Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Akala mo kung sinong sasambahin porke guwapo.
Pakyu!