A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE
CHAPTER 20
EUNICE pov;
“Naghintay lang ako sa wala “ malungkot na bulalas ko .
Ano oras na wala parin Cian na dumarating ang sabi niya uuwi rin siya pero ni text o call wala kahit chat man lang wala rin,hindi naman siya ganito o sadyang nasanay lang ako na palagi siya nasa tabi ko?.
Naghintay pa ako ng ilang oras ,mag aala una pero wala parin paramdam ,kaya naman napagpasyahan kong manood ng movie para naman malibang ako ,gusto ko kasi na madatnan niya akong gising sa kanyang pag uwi para malaman niyang naghintay ako sa kanyang pag uwi.
Hanggang sa sumapit na ang 3 am at nakailang movie narin ang natapos ko ,nakaramdam ako ng konting pait pero pilit ko nilalabanan ang mga naglalaro sa aking isipan ,ayaw ko pangunahan ng mga negatibong pag iisip ang nararamdaman ko ,gusto ko alamin muna ang dahilan niya .
Nagising ako sa ingay ng Cellphone ko ng sipatin ko ito ay ala singko na ng umaga nakaalarm pala ang cellphone ko ng di ko namalayan ,kaya naman tamad na bumangon ako at nagtungo sa banyo para maligo,hindi ko inaasahan na makakatulog ako sa kakahintay sa wala dahil doon sumikip ang dibdib ko,lalo pa ng di man lang nagalaw ang niluto kong ulam para sana sa aming dalawa hindi rin ako kumain dahil gusto ko sabay kame kakain.
**************
“Eunice?” Tawag sakin ni Maylene ,tamlay na nakaupo ako sa aking pwesto,tinignan ko lang si Maylene.
“Hala nyare te? Para kang zombie na ewan ,kulang sa tulog? Hindi naman pwede sabihin na pinagod ka kasi ,ang babaeng nadiligan magdamag kahit anong oras pa yan sa bakbakan o puyat ay blooming parin eh ikaw para kang lumaban sa gera!?” Biro nito na alam kong pinatatawa lang ako pero wala ako sa mood tumawa o makipagchickahan,kaya naupo ito sa tabi ko at seryoso na pinagmasdan ako.
“Alam mo Eunice yan palang nagpapakatalo kana? Asan na yung Eunice na kilala ko? Yung matinik sa pag ibig at sa lahat ng bagay?” Napatingin ako kay Maylene at napaisip.
“Tama nga hindi ako ito ,alam kong sanay na ako sa ganitong sitwasyon pero bakit pagdating sa kanya bumibigay ako nawawala ang angas at tapang ko.?” Kastigo sa Aking isipan.
“Free kaba mamaya Eunice?” Tanong nito sa akin.
“Bakit?”
“Gusto mo sumama ka nalang samin mamaya para naman di kana sad at mag overthink diyan?” aya nito.
“Pag isipan ko!” Sagot ko lang.
“Huwag mona pag isipan sumama ka na!”pamimilit nito.
“Tinanong mo pa ako kung ikaw rin ang masusunod!” Biro ko na kinahampas nito ng mahina sa aking braso.
“Ayiie ok kana girl?”
“Sapat lang!” Sabi ko
“Sumama kana mag eenjoy ka ,ako bahala sayo malilimutan mo lahat ng problema mo! Pano mamaya ah hintayin ka namin!” Sabi ni Maylene .
“Ok!”
“Good wag kang tatanggi mamaya !” Banta pa nito .
“Ok oh siya umalis kana at makita tayo ng Boss natin nagchichimissan sa oras ng trabaho ,ikaw din baka pag initan ka!” Sabi ko na mabilis naman tumalima si Maylena.
Napasandal ako sa upuan ko at bumuga ng hangin,nagmuni muni ako at iniisip ano ba ang dapat ko gawin para naman maibsan ang kaisipan na pumapasok sa isipan ko.
“Ay palaka!” Gulat na sigaw ko ng bigla nalang sumulpot ang Boss kong si Dexter.
“Seriously sa gwapo kong ito?sa pala mo lang ihahantulad?” Di makapaniwalang sabi nito.
“Oh bakit naman dun sa napanood ko nung bata ako palaka na naging poging prinsepe ? So ano gusto mo ungoy na naging prinsepe wala pang ganun ikaw palang ?” sabi ko na kinasimangot nito.
“Bored ka?” Tanging sambit lang nito.
“Slight!” sagot
“Good !” Sabi nito at may inilapag na mga papeles sa desk ko na kinataas ng kilay ko.
“Ano to?”
“Papel!” Pilosopong sagot nito.
“I know Dexter ang ibig kong sabihin para saan ito?”
“Dalhin mo sa DM corp.!” Utos nito.
“Bakit ako?” Sabi ko.
“Bakit ikaw? Ano sa tingin mo?” Balik tanong nito.
“Ano trip mo?” Seryosong sabi ko.
“Secretary kita may karapatan ako utusan ka! May dapat paba ako ipaliwanag?”sabi nito.
“Dexter naman eh alam mo namang—!”
“Akala ko ba ok na kayo?” Sabi nito kaya binalingan ko ito ng masamang tingin.
“Paano mo nalaman? Toklits ka ah?” Sabi ko .
“Alam mong kahit ganyan ka ayoko pabayaan ka lang ! Be professional huwag mo isama ang personal na buhay sa trabaho mo ! Kaya kung ako sayo trabaho lang walang personalan!” Payo nito na kinairap ko .
“Nagsalita ang expert!” Sabi ko at dinampot nalang ang mga papel na iniwan nito sa desk ko.
Nagcommute nalang ako para naman malibang ako saka di naman ako pagas ng mokong na iyon hilig mag utos di naman nagbibigay ng Gas palibhasa pinsan may pasabi sabi pa na walang personalan pero libreng Gas tinanggalan ako at marami pa rw na mas higit na nangangailangan samantala ang ibang staff dito libre ako lang talaga ang hindi libre.
Mabilis na narating ko ang kumpanya ni Dom ngayon nalang ulit ako makakatapak dito halos ilang buwan narin mula nang makipag break ako actually wala kameng maayos na break up o closure man lang.
“Long time no see Maam ,ngayon nalang po ulit kayo napadalaw dito,lalo po kayo naganda Maam Eunice!” Pabating puri sakin ni Mang lando na security guard ng building na ito.
“Ikaw talaga Mang Lando hanggang ngayon bolero!”.pabirong sabi ko.
“Naku maam hindi naman po talaga pong nagsasabi ako ng totoo!” Sabi pa nito.
“Oh siya Manong lando nariyan ba si Dom?”usisa ko.
“Opo Maam nariyan po sa opisina niya !sa katunayan po mula ng maghiwalay kayo lagi na po iyan workaholics minsan lahat ng staff nakauwi na siya nalang ang hindi pa,saka masyado na po naging mahigpit si Boss ayaw niya na nalalate o nakikipagdaldalan sa oras ng trabaho !” Sumbong nito na kinailing ko.
“Ganun ba ? Baka naman may pinagdadaanan lang si Dom Manong?” Sabi ko.
“Baka nga po Maam naging magagalitin at maiinitin na po ulo ni Sir!”dagdagi pa nito.
“Ganun sige Manong pagsasabihan ko pano po pasok na po ako para dalhin sa kanya ito.!”sabi ko at tumango lang ito sa akin.
Marami rin ang pinagbago rito parang naging tahimik at kaseryoso ang mga tao rito pati narin sa desenyo ay nawala ang sigla.
Nasa tapat na ako ng pintuan ng opisina niya ng marinig ko itong parang may sinisigawan.
“Napakasimple ng inuutos ko hindi mo nagawa ng maayos?”
“Sorry po Sir!”
“Sorry? Maibabalik ba ang sinayang mo na ink at mga papel na iyan? Napakarami mo sinayang na papel at ink tapos papasahan mo ako ng maling mga report mo? “
“S-orry po talag sir! Aayusin ko na po at di na mauulit!” halos mangiyak ngiyak na sabi ng babaeng kausap nito.
“Talagang hindi na dapat maulit dahil sa oras na mali iyan ,simulan mona mag impake ng gamit mo!” Galit na sabi ni Dom.
“O-k po S-ir!”
“Leave!!”utos nito .
Nagkagulatan pa kame ng secretary niyang si Mae sa hiyang narandaman nito yumuko lang ito sa akin,bumuga ako ng hangin bago naisipang pumasok.
“Diba sabi kong Uma—--Eunice?” Gulat na sabi nito,tinignan ko lang ito na may pagtataka,biglang nagbago ang emosyon nito na kanina ay galit ngayon ay naging maamong nilalang, inilapag ko ang dala dala kong mga papeles na pinabibigay ni Dexter imbis na basahin nito ang nilapag ko sa akin lang nakafocus ang mga tingin niya.
Hindi ko akalain ng nagkakaganito siya ng dahil sa akin,kahit pa sabihin niya na tanggap na niya ang lahat na wala na kame hindi parin pala maipagkakaila na nasaktan din siya sa nangyari ,napagpasyahan kong kausapin siya ng masinsinan.
“Can we talk? “ Panimula ko na kinatitig niya sa akin.
“S-aan ?”
“Pwede naman dito!” Sabi ko.
“Ok lang ba sa Asawa mo?” Ramdam ko ang bigat sa kanya na bigkasin ang katagang Asawa mo? ,ngumuti lang ako.
Inalok ako nito maupo sa mini sofa kaya naman tinaggap ko ang alok niya naupo ako habang siya umupo sa katapat kong sofa.
“Ano problema Dom?” Panimula ko na kinatitig lang nito muli.
“Alam kong hindi maganda ang pag hihiwalay natin ,at alam naman natin dalawa na pareho tayo naaaktan sa pangyayarit ?”
“I know!” Pag amin nito.
“Pero wala na sa akin iyon,ang hindi ko lang maatim ang pagpapabaya mo sa sarili mo at pati ang malaking pag babago mo!”pag amin ko.
“Hindi ko alam paano magsisimula ng mawala ka, para nawalan narin ng saysay ang direksyon ng buhay ko!” pag amin nito.
“Malilimutan mo rin ako!” Sabi ko.
“I Can't Babe!” Sabi nito.
“Kaya mo at kakayanin mo kung susubukan mo lang matutunan at tanggapin ang katotohanan!”
“Pero ikaw ang buhay ko!”
“Akala mo lang yan may mas better pa sakin para sayo ,hindi lang ako ang babae sa mundong ito may nakalaan para sayo!” Sabi ko pero hindi ko inaasahan ang gagawin ni Dom ng lumuhod ito sa harapan ko at nagmamakaawa habang hawak hawak ang kamay ko pero mas hindi ko napaghanda ang paggaralgal ng boses nito.
“P-lease Babe ako nalang ulit? Pwede bang akin ka nalang ulit? Kahit hindi na ako ang laman ng puso mo basta alam kong akin ka sapat na saakin iyon, handa ko bitawan ang lahat para sayo bulaik kalang sa akin !” lumuluhang pagsusumamo nito,nakaramdam ako ng awa at guilty sa nangyayari sa kanya pero hindi ko pwedeng dayain ang puso ko kung ang isip kaya pero ang puso kahit kailanman hindi ko magagawang utusan kung sino ang dapat tinitibok nito ayoko ein makulong kame sa relasyon na isa lang ang nagmamahal at nagsasakripisyo.
“Sorry!” Tanging nasambit ko .
“Minahal mo ba talaga ako?” Hindi ko alam bakit niya naisipang itanong sakin ito,hindi ako nakaimik dahil kahit ako hindi ko na alam kung minahal ko ba talaga siya,kasi ni minsan hindi ko naramdaman sa kanya ang kagaya nang nararamdaman ko kay Cian noong kame pa ni Dom.
Sapat na ang hindi ko pag imik para lang matauhan siya ,pinahid niya ang mga luhang lumandas sa kanya ,masakit din para sa akin na dahil sakin may nagkakaganito at nasasaktan ngayon.
Sinapo ko ang mukha ni Dom at ngumiti hinawakan naman niya ang mga kamay ko na nakahawak sa kanyang pisngi.
“Naniniwala ako na malilimutan mo rin ako,at sa oras na dumating iyon isa ako sa unang magiging masaya para sayo,pwede pa naman tayo maging magkaibigan di nga lang tulad nang dati pero narito ako para makinig at maging kaibigan mo!” Sabi ko na kinatango niya lang.
“P-wede ba yakapin kita? Kahit sa huling pagkakataon,sa huling mga sandali bago ko kalimutan ang isang gaya mo!?”pakiusap nito tumango lang ako.
“Haist bakit ba ang hirap mo pakawalan! Pero wala eh ang tanga ko kasi nasa akin na ang lahat nagawa ko parin saktan!at nagpakampanti ako na hindi ako iiwan” Sabi nito at kumalas na sa pagkakayakap sa akin.
“Iba pala pakiramdam pag may Closure kayo ng mga taong nanakit sayo o nasaktan mo ,ibang ligaya sa puso ang hatid nito at nagbibigay rin ito ng kapayapaan sa inyong kaisipan,sana lang dunating aa punto na maibsan din ang sakit na nararamdaman ni Dom .”.