Sobra silang nag enjoy sa beach at sa view ng dagat na napakasarap sa paningin. Matapos ang honeymoon at umuwi sila ng kanilang bahay at nagdesisyon na puntahan ang mga anak ni Susie para kasama nilang tumira sa kanilang bahay.
Kinuha ni Susie ang mga anak niya sa ex mother in law niya at sa wakas sa unang pagkakataon ipinaubaya na sa kanya ang mga anak niya. Nagpasalamat siya sa kanyang ex mother in law. Ganoon din naman ipinaliwanang ng ex mother in law niya ang dahilan kung bakit hindi nila ibinigay ang mga bata sa kanya. Ngunit ngayon ay alam nilang maaalagaan na niya itong mabuti ng may buong pagmamahal.
Masayang masaya si Susie at Alvin ganun din naman ang mga bata. Masayang masaya ang mga anak niya na ngayo'y magkakasama na sila ng Mommy niya at ngayon ay may bago na silang Daddy. Tanggap na tanggap naman ni Alvin ang dalwang anak niya. Itinuring niya itong parang tunay na anak niya.
Mahal na mahal naman ng mga bata si Alvin dahil sa mabait ito at mapagmahal na Ama. Inalagaan niya ito at pinagpatuloy sa pag aaral. Tinuruan niya din ng mabuting asal at hindi manlang pinakitaan ng kung ano mang pangit na ugali.
Sa buhay natin akala natin ay puro paghihirap lang. Akala natin may sakit ang puso na hinding hindi na mawawala. Akala natin sapat na ang nalalaman natin at nakikita natin na hindi na kinakailangan ng paliwanag pero mali. Maling mali. Kung gusto mo maliwanagan sa isang bagay/problema, wag mong takasan, harapin mo. Kasi hindi mo alam kung alin ang totoo at hindi. Ano ang tama at mali.
Under editing po ito