YB Chapter 15

1068 Words
Napakaganda ng black evening dinner dress niya. Long elegant sexy slim black dress na umaabot hanggang toes niya. Tube style V neck with shinning diamonds ito at pa-criss cross back na may number 8 shape ito at na enhance lalo ang shape niya sa likod at bandang hips niya. Nagsuot din siya ng long earrings na bagay sa dress niya. Pati na rin ang black high heeled sandals niya. Napakaganda niya ng gabing iyon. Maiksi lang ang hair niya at kitang kita ang hikaw niyang bagay na bagay sa suot niya. Pagdating niya sa restaurant nagtaka siya kasi mukhang close ito. Sarado ang ilaw at walang ibang tao kung hindi ay ang waiter at cashier lang. Naisip niya tuloy na pinaglaruan lang siya ni Amir. “Bakit palagi na lang ganito? Nag-effort pa naman ako para lang maganda ako sa paningin niya.” bulong niya sa sarili. Matagal niya ring pinag-isipan kung patatawarin ba niya si Amir at maniniwala na lang sa paliwanag nito. Nag-follow-up chat pa ito na hindi na siya nito masusundo sa bahay pero tuloy ang dinner nila. Although napansin niya na wala naman si Amir doon ay naisip niya pa rin na pumasok sa loob. Naglalakad pa lang siya papasok sa restaurant ay unti-unting nagsibukasan ang mga ilaw sa labas ng restaurant. Madaming tila christmas lights na naka-decorate sa labas at nang umilaw na ang lahat ng lights ay napansin niyang marami palang bulaklak sa paligid. White roses. At sa daanan na papasok sa restaurant ay may nakakalat na red roses sa lapag. Hindi pa niya ito mapapansin kung hindi lang siya napatingin sa lapag. Pero madilim pa rin sa loob ng restaurant. Iniisip niya tuloy kung anong pakulo ng mokong na iyon at nag effort ng ganito. “Magso-sorry ba ito ulit sa nagawa nito?” bulong niya. Pagtapat niya sa glass door ng resto ay bigla itong bumukas at nakita niya si Amir. Talagang napakaguwapo ni Amir. Naka-tuxedo siyang black. Napakabango niya at talaga namang mapapangiti ka na makita siyang nakangiti sa’yo. Pinagbukasan siya ng pinto nito. Pagpasok niya sa resto ay may mga taong naglabasan mula sa loob ng resto kitchen. Laking gulat niya nang makilala niya ang mga tao. Naroon din ang parents ni Amir, sina Kassandra, Ailene, Kyla at Benj. Nakangiti silang lahat habang may hawak na pink roses. Isa isang inabot sa kanya ng mga bisita ang pink roses. Huling nag abot ng rose si Amir. Pagkaabot na pagkaabot ng bulaklak ni Amir ay may naglaglagang petals ng red roses mula sa taas. Kasabay ng paglaglag ng petals ay may nalaglagan ding isang banner na nag sasabing... WILL YOU MARRY ME, SUKAN? Kilig na kilig ang mga tao at nagpalakpakan. Lumapit si Amir kay Sukan at lumuhod at muling nagtanong... "Sukan, will you marry me?" Sabay labas ng singsing. Hindi alam ni Sukan ang gagawin habang pumapatak ang luha niya sa tuwa. Inabot ni Amir ang kamay niya na parang bang gusto nito isuot sa kanya ang naghihintay na singsing. "Yes, Amir. I will!” sa pangalawang pagkakataon na nagsabi siya ng yes kay Amir. Una noong kaarawan niya at nag-dinner rin sila at tinanong siya kung puwede ba silang maging mag-partner. Maiyak iyak si Sukan sa pagka-surprise niya. Napakaganda ng preparation at wala siyang kaalam-alam na kasabwat pala sin Benj at Kyla. Kaya pala hindi man lang siya hinintay ng mga ito sa pag-uwi. Isinuot ni Amir sa daliri ni Sukan ang singsing sabay yakap kay Sukan. Umiiyak pa rin si Sukan dahil sa naganap. Ngunit masayang masaya siya sa nangyari. Wala nang salita or usapan ang kailangan maganap. Sapat nang makita niya ang mga magulang nito para mapatunayang nag sasabi siya ng totoo. Hinalikan ni Amir si Sukan at ganoon din naman si Sukan kay Amir. Nagpalakpakan muli ang mga bisita at masayang nakangiti sa dalawa. Nagsalo-salo sila sa masarap na dinner na inihain sa kanila. Nag-usap-usap sila tungkol sa mga nangyari. Nakaramdam ng hiya si Sukan dahil sa ikinilos niya noong dinner pero alam niyang normal lang naman ang ikinilos niya dahil wala siyang alam sa nangyari. Nakatutuwa talaga ang mommy ni Amir. Hopeless romantic nga talaga. Ito pala ang nagplano ng lahat matapos nitong malaman na hindi pa rin sila maayos ni Amir. Katulad ng pagplano niya sa dapat na kasal nina Kassandra at Alvin. Ngunit humingi na ito ng paumanhin kay Sukan. Sinabi niya rin na kung alam niya lang na may girlfriend na ang anak niya ay hindi na niya ito ini-set up for a wedding. Ganoon din naman si Kassandra. Humingi ito ng paumanhin kay Sukan sa ikinilos nito sa Airport. "Full support kami sa relationship niyo ni Amir, Sukan. My son really loves you so much and he will never hurt you. My son will never hurt someone he loves". sabi ng mommy ni Amir. Ngumiti naman si Sukan at nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya ng magulang ni Amir. Hindi pa rin siya makapaniwala na parang fairytale ang kaganapan kanina. Kinikilig pa rin ang puso niya. Masaya rin naman si Amir at naayos na ang relationship nila ni Sukan. Kilig na kilig din naman sina Kyla at Benj. Niyakap nila si Sukan at nag-congratulate sa kanila ni Amir. "Siya nga po pala, tita… hindi ba po ay naka-set na ang wedding nina Kassandra at Alvin before bumalik from work? Ano po ang nangyari?" tanong ni Sukan sa mommy ni Amir. "Inayos ko na ang lahat, hija. I know na medyo maraming work because I have to cancel all the appoinments I had set. But there’s no need to worry. Everything is okay now.” sabi nito. “No need to worry about that. I guarantee and assure you that my son is single" pag-a-assure ng mommy ni Amir. Nagkatawanan silang lahat dahil sa sinabi ng mommy ni Amir na siya ay single. Lalong umaliwalas ang mukha ni Sukan. Tumatalon ang puso niya dahil sa nalaman. Tanggap din siya ng parents ni Amir. Alam ng mga ito na may anak na siya at divorce na rin siya sa dating asawa niya. Open naman ang isip ng mga magulang ni Amir. Hindi sila ang klase ng magulang na hahadlang sa kaligayan ng kanilang anak. Madami silang napag-usapan at nakagaanan ng loob ni Sukan ang mga magulang ni Amir. Masaya rin naman si Ailene at Kassandra para sa kanila ni Sukan. Nagyakapan pa ang tatlo na parang matalik silang magkakaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD