Isang araw ay biglang may dumating na sulat sa kanilang bahay. Dali-dali naman niya itong kinuha. Laking gulat niya nang malaman ang laman nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa niya ang nakasulat. Divorce papers...
"Let’s have a divorce, Sukan... I already love someone. I don’t love you anymore." ganoon kadali kung sabihin ni Jiang ang mga katagang iyon. Samantalang parang dinudurog na paminta naman ang puso ng asawa niya. Na ang akala nito ay panghabang-buhay ang ipinangako ni Jiang sa kanya. Ngunit balat kayo lamang pala. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng asawa niya. Halos ibigay niya ang buong buhay niya rito.
Ang gusto lang naman niya ay simpleng buhay. Ang gumising ng maaga at masilayan ang pamilya. Ang ipaghanda ng pagkain ang mga anak niya at asawa. Ang ipaglaba niya ito at ipamalantsa. Ang mahalin ang mga ito habang buhay. Ngunit wala palang habang buhay na pagmamahal.
Hindi niya akalain na magagawa nitong makipag-hiwalay sa kanya sa kabila nang pagpaparaya niya rito na gawin ang lahat ng mga ginagawa nito. Dahil mahal niya ang asawa niya at gusto niya na maging masaya ito ay pinagbigyan niya ito na mag-divorce sila.
"…If that will make you happy..." bulong niya at agad na pinirmahan ang papel na naglalaman ng legal na paghihiwalay nila.
“I miss you… Ashlee… Ascot…” bulong niya sa sarili sa loob ng madilim na silid kung saan ay nakalugmok siya. Araw-araw ay ganoon ang kanyang tagpo. Na-depressed siya nang todo sa nangyari na paghihiwalay niya. At lalo pa siyang na-depressed nang kunin ng biyenan niya ang mga anak niya. Hindi na niya talaga alam ang gagawin niya. Ang tanging pinanghahawakan na lamang niya ngayon ay ang sarili niyang magagawa.
Ngayon ay halos tatlong taon na silang hiwalay. Tumigil siya sa pagiging singer nang magkahiwalay silang mag-asawa. Naghanap siya ng ibang trabaho at doon ay nag-decide siyang mag-caregiver para masuportahan ang dalawang anak niya.
Personal assistant siya ng isang Thai nationality rin na katulad niya. Napakabait nito sa kanya. Ito rin ay nakapag-asawa ng mayaman namang Chinese. Naging matalik niya itong kaibigan at naging kasa-kasama niya ito sa tuwing may pupuntahan itong event or kung saan man ito pupunta.
"Be strong, Sukan... Think about your children. Think of a way on how you can get your kids from your in-laws and ex-husband. You have to be strong for your kids. You need to work harder for them." ang laging payo ng kaibigan niya. Alam kasi nito na gusto niyang makuha ang mga anak niya sa mother-in-law niya para magkasama-sama na sila.
“Thank you. I will… I’m trying.” sabi niya rito.
Ngunit minsan ay naiisip niya na baka hindi niya maalagaan ang mga bata nang maayos kapag nasa kanya na. Natatakot siya na baka mapabayaan niya ang mga ito.
‘Just let me know if you need help.” tumango lamang siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang tumanggap ng tulong. Nais niyang tumayo sa sarili niyang mga pa. Palagi siya nitong pinapayuhan at ngayon nga ay nagdesisyon siya na maghanap ng ibang trabaho nang sa ganoon ay magkaroon siya ng sapat na pera para tuluyan na niyang makasama ang mga bata. Malayo ang tirahan ng mga ito sa kanya. Nangangailangan siyang magbiyahe ng apat na oras para lamang mabisita ang mga ito. Tanging off day niya lamang ito nabibisita.
"Next please," basag ng isang tinig na nagmumula sa isang kwarto sa pagmumuni-muni niya. Tinawag na siya ng HR para ma-interview. Pumasok sila sa isang kwarto at doon ay may kumausap sa kanyang isang Chinese na lalaki. Hindi niya napansin na tinititigan siya nito dahil kabado siya. Naisip niya na any moment na magkamali siya ay masasayang lahat ng pagod niya. Nagsimula siyang tanungin nito.
“How are you? Tell me something about yourself.” huminga nang malalim si Sukan upang mapalis ang kanyang kaba. Pagkatapos ay sinagot na ang tanong nito. marami pa itong itinanong katulad ng mga experience niya sa trabaho at kung ano-ano pa. Natutuwa siya dahil kahit na kulang ang kaalaman niya sa pinapasok niya ay nasagot naman niya ito.
“Okay, thank you, kindly wait outside for the evaluation.” at nang matapos ang interview ay pinaghintay siya dahil one-day process lang ang application and that very same day ay malalaman mo na kung tanggap ka na. Nang makalabas na siya ay tinawag naman ng Hr ang isa pang applicant. Lumipas ang ilang minuto ay pumasok ang isang matangkad na babaeat tinawag siya nito. Medyo mas bata pa ito sa kanya. Huminga siyang muli nang malalim at agad siyang lumapit dito.
"Congratulations! You’re hired.” sambit ng matangkad na babae.
“Thank you!” hindi siya makapaniwala na natanggap siya sa trabaho. Ang kaninang normal na pagtibok ng puso niya ay bumilis nang dahil sa resulta.
“You’re welcome, please wait here for your offer letter, okay?" pagkasabi sa kanya ay naghintay siyang muli sa kuwarto.
“Thanks again,” pahabol niyang sabi.
Habang naghihintay siya ay sinilip niya ang kanyang cellphone kung may importanteng mensahe para sa kanya pero na-realized niya na umaasa lang siya sa wala. Bihira kasing mag-update ang mother-in-law niya tungkol sa mga anak niya. Muli na lamang niya itong ipinasok sa bag niya at naghintay sa Hr.
Habang hinihintay niya ang HR ay may isang babae na pinapasok sa loob ng kuwarto. Tantiya niya ay masayahin ito. Mukhang palangiti ang babae. Nginitian siya nito at gumanti rin naman siya ng ngiti rito. Pagkatapos ay kinausap niya ito.
"Hi, are you an applicant here too?" tanong niya rito.
"Yes, I am! You're an applicant too, right?" sabi naman ng babae.
"Yup! I thought you're one of the HR employees," sabi naman ni Sukan. Ngumiti lang ang babae.
Nagkausap sila saglit nito at nagkakuwentuhan tungkol sa magiging trabaho nila. Madaldal ang babae at nagkapalagayan na sila ng loob. Nang dumating ang HR ay pinaghintay na lamang muna ang isang aplikante sa reception.
Nang maiwan siya ay saka lang niya naalala na hindi pala siya nakapagpakilala sa babae. Hindi man lang niya natanong ang pangalan nito. Nang matapos na sa pagpirma ng offer letter ang isang aplikante ay siya naman ang sumunod na tinawag.