YB Chapter 8

1124 Words
"Akala ko sa pelikula ko lang yon mapapanood. Akala ko sa mga series lang na nababasa ko at napapanood ko merong ganon. Pero hindi pala. Totoo pala. Maybe hindi ko naexperience sa buhay ko pero, siya grabe pala ang naranasan niya. Sobrang hindi ko maintindihan if totoo ba ito or hindi. Pero totoo talaga siya. Totoo dahil galing mismo sa bibig niya. Hindi ko napanood lang at lalong hindi ko nabasa lang. Narinig ko mismo sa taong involve. She was experiencing depression from the time na naghiwalay sila ng asawa niya hanggang ngayon. She attempted suicide before. Thinking that ending her life will be the fastest way out to forget everything and not to feel anything. She experience a lot of hardship from the time that she was pregnant with her youngest daughter until she gave birth to her. Kabi-kabila ang babae ng asawa niya and to add more pain to her, hindi siya pinayagan ng ex husband niya na kunin ang kids niya. Panalo siya sa korte, to take care of her kids pero sa isip niya, she cannot take care of her kids because she became weak from all the pain she had experienced. I couldn't bear to see her cry and see her feel more pain but what hurts me more is that I couldn't do anything for her to lessen her pain. I just comfort her with good thoughts and told her that everything happens for a reason and there must be a purpose why it is happening and why it happened". Sabi ni Kyla sa sarili niya. Tumawag kasi ang dating asawa ni Sukan sa kanya. Sinisigawan siya sa kabilang linya at sinasabihan ng masasakit na salita. Sa kabila ng paghihiwalay nila ay naguusap pa din sila para sa mga bata. Pinipilit siya na bantayan ang mga bata dahil magbabakasyon ang parents-in-law niya. Nag aalala kasi si Sukan. Hindi niya alam ang gagawin niya. Napepressure na nga siya sa trabaho, pinipressure pa siya ng ex-husband niya. Hindi niya alam tuloy kung may pagpipilian ba siya dahil nasa training pa lamang siya at hindi maganda na magleave agad siya. Minsan kasi maganda ang trato sa kanya ng asawa niya minsan naman ay hindi at sinisigawan siya nito sa telepono. Hindi naman makatulog si Kyla kinagabihan ng malaman niya ang problem ni Sukan. Naikwento niya na lang din sa asawa niyang si Jim ang tungkol dito para lumuwag ang dibdib niya. Si Kyla ay ung tipo ng tao na ang problema ng iba ay pinoproblema niya. Nadedepress din siya kapag depress ang kausap niya. In short, super affected siya. Magkwento ka lang sa knya ng problema at tiyak magiging problema niyo na ito pareho. Mabait si Kyla at madaling pakisamahan. Magaling din siya makisama sa lahat ng klase ng tao. Hindi siya madamot sa pakikipagkaibigan. Basta makita niya na mabait ka tiyak magiging kaibigan ka niya. Ayaw lang ni Kyla ay yung gagamitin mo lang siya pagkatapos ay babaliwalain mo na siya. Sa loob ng apat na buwan nilang pagkakaibigan ni Sukan, nakilala na niya ito ng lubusan. Matigas ang ulo ni Sukan. Madali siya yayain sa lahat ng bagay at hindi marunong tumanggi. Si Kyla naman ay galit sa hindi nagpapahalaga sa oras at ayaw niya ng oo lang ng oo pagkatapos ay hindi naman pala matutuloy ang lakad. Pero ewan ba niya sa tuwing ginagawa sa kanya ni Sukan ang ganon para bang nasanay na siya. Hindi na bago sa kanya ang pag oo ni Sukan pagkatapos ay hindi sila matutuloy. Pinayuhan na lamang ni Kyla si Sukan. Kung sundin ito ni Sukan ay okay lang kung hindi naman ay okay din basta sa parte ng pagiging kaibigan niya ay ginawa niya ang nararapat. Nalaman ni Benj ang tungkol kay Sukan. They both comforted her. Masaya sila nag usap usap, nagkwentuhan at kumain. Araw araw ganun ang sitwasyon. Masaya din sila dahil kaarawan na ni Sukan kinabukasan. "Happy Birthday Sukan!" bati ni Benj at Kyla. Habang pabirong kinakantahan ng happy birthday. Happy birthday Sukan! Happy birthday Sukan! Happy birthday, Happy birthday... Happy birthday Sukan! "Thank you Guys!" Sabi ni Sukan na masayang masaya dahil naalala ng mga kaibigan niya ang birthday niya. Naalala na naman ni Sukan ang mga magulang niya. Ang totoo kasi ay December 29 pa talaga ang kaarawan niya ngunit December 9 siya nagcecelebrate at iyon din ang nakalagay sa Birth certificate niya. December 29 ipinanganak si Sukan. Mula ng tumira siya sa lola niya noong baby pa siya ay busy na ang mga magulang niya sa trabaho kaya nung kinailangan na niyang mag aral ay walang nagawa ang lola niya kung hindi ay iparegister siya ng late. Hindi alam ng lola niya ang tunay niyang kapanganakan. Sinubukan din nila kontakin ang mga magulang ngunit hindi nila macontact ng mga panahon na iyon kaya sinubukan din nila sa Ospital, ngunit sabi naman sa Ospital ay lahat ng record ay hindi na makita. Kapag lumampas na ng limang taon ang mga records ay inilalagay na nila sa bodega. Kaya nagdesisyon ang lola niya na hulaan ang kaarawan niya at December 9 nga ang nairehistrong kaarawan niya. Sabay sabay sila naglunch at sabay sabay din silang umuwi. Kinagabihan hindi nag update sa group chat si Susie. Nagtaka ang mag kaibigan bakit walang balita kay Susie. Hanggang sa magtanong siya sa mga ito sa group chat... __ Susie: Guys iniinvite ako ni Alvin na magdinner. Ok lang ba sumama ako kay Alvin? Dinner with wine daw. Kyla: Okay lang yan. Basta dinner lang pero it's up to you kung sasama ka kasi malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali. Benj: Oo nga Susie malaki ka na ang kung feel mo makipag dinner sa kanya go lang. --- Kinaumagahan sa opisina... "Kyla, nagmessage ba sayo si Sukan kung natuloy sila?" Sabi ni Benj na para bang may ibang bagay na tumatakbo sa isip nito. "Wala nga din e, after nung last message mo sa group chat natin hindi na siya nagreply or nag update manlang about her". Sabi ni Kyla na nag aalala bilang kaibigan. Pero sa bagay kapag may ginagawa si Sukan at ayaw paistorbo ay hindi ito nagrereply. Katulad nung nakaraan na sumabay ito sa paguwi sa isang katrabaho nilang chinese na si Sam. Pagkatapos ay kinabukasan na ito nagkwento na nagdate pala sila dahil niyaya siya nito at niligawan siya pero hindi niya ito gusto at binasted niya. "Ano kayang nangyari dun? Siguro natuloy sila ano?! Hmm..." Sabi ni Benj. Hindi nagparamdam ng dalawang araw si Sukan. Naka off kasi siya at madami siyang ginagawa sa bahay. Araw kasi ng general cleaning niya ang off day niya. Ito din ang oras niya para magbasa ng libro at of course ang makipagchat sa boyfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD