Letter I - Puzzle Game #2
Aira
Mabilis naming tinakbo ni Kate 'yung Computer Laboratory. Dahil mahigit kumulang isang oras na lang ay magsisimula na ang klase namin.
Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ngayon ng Computer Laboratory. As expected, may note na naman do'n sa pinto. Dali-dali ko naman itong binasa.
Puzzle #3
Break the rules, and you'll break the clue. Catch the mouse, and you'll catch the clue.
PC 4x6-9+2-3÷2-4×2+6-7•2²
Naisapo ko na lamang ang aking palad sa mukha ko nang mabasa ang nasa papel. Logic na naman! Hinaing ko sa sarili kong utak na halos matuyot na. Damn it! I hate Math!
Pilit kong kinalma ang sarili ko at sinubukang initindihin ang nasa papel. Kung sinasabi dito na break the rules, and you'll break the clue--
Hindi ko man lang natuloy ang teorya ko nang bigla siyang nagsalita.
"20," wika ni Kate atsaka ngumiti, "Hindi ko in-apply diyan ang PEMDAS rule o kung ano mang rules."
Napabilog na lamang ang bibig ko sa sinabi niya, tama siya, break the rules, and you'll break the clue.
Good thing at sumama siya, kung hindi baka hanggang ngayon ay nakanganga lang ako.
Nagsimula na naming tahakin ang PC 20, nang makarating ay kumuha ako ng isa pang extrang upuan na upuan dapat ng katabing PC. Tahimik ang ComLab ngayon at mukhang kaming dalawa lang ang nandito.
Natandaan ko naman bigla ang kasunod no'ng clue na nasa papel.
Catch the mouse and you'll catch the clue.
Napangiti naman ako dahil 'yung mouse, which is part ng computer ang tinutukoy niya. 'Di bali na lang kung gusto niyang ipakain ko sa kanya 'yung dagang makukuha ko.
Mabilis ko namang hinanap at kinuha ang mouse. Nang makitang walang kung anong papel dito ay mabilis kong binaligtad ang mouse.
Then the clue pad appears.
Charlize
Nakakailang pahina na kaming tatlo nina Gemryll at napakadami na rin naming natuklasan na bagay-bagay tungkol sa seksyon namin, gaya nalang ng kung paano matigil ang sumpa't iba pa. Nakakalungkot lang dahil sa dinami-daming paaralan sa Pilipinas ay sa university na 'to pa talaga ang nasumpa! 'Pag hindi talaga ako makatiis ay magta-transfer talaga ako! Lamunin nila 'yang 10Million pesos na binayad ko! Nakakahinayang din dahil hindi ito naabutan nila Aira at ni Kate. Umalis-alis pa kasi 'yong dalawang 'yon e!
Mayamaya'y nagpaalam muna ako sa kanila dahil magbabanyo muna ako ng sandali, kasalanan ko ba kasing matakot at makaramdam ng kilabot doon sa mga pinagbabasa namin, lalo na't 'yung ibang page ay may bahid pa ng dugo kahit na ito'y halatang matagal na.
Ilang segundo lang ay tuluyan na akong umupo sa toilet bowl. Ngunit hindi pa ako nakakatagal mula rito ay bigla na lamang akong nakarinig ng marahas na pagbukas ng pinto. Nanatili lamang ako sa loob ng cubicle dahil sa takot, mayamaya'y umalingawngaw ang ilang pag-impit na sigaw at naghihikahos na hiyaw sa paligid. Sa tono ng kanilang mga sigaw ay para itong dumaan sa napakarahas na sakit, mukhang kailangan nila ng tulong.
Marahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at dahan-dahang lumabas upang hindi makagawa ng ingay. Napatigil ako sa paglalakad ng mapansing tumahimik ang paligid. Ano'ng nangyayari?
Marahan akong naglalakad atsaka sumilip ng bahagya sa labas ng pintuan ng banyo nang nakarating na ako dito. Nadatnan ko sina Gemryll at Sean na walang malay habang naliligo ng sarili nilang mga dugo. Pati na rin ang librarian at dalwang eatudyanteng nandito kanina ay pawang nakalupasay sa sahig habang punong-puno ng sugat at duguan. Napalunok na lamang ako ng buo ng makita ang isang nakaitim na jacket at puting maskara na lumilinga-linga pa at tinitingnan ang bawat book stand at bookshelf. Hindi magtatagal ay baka tingnan niya rin ang loob ng CR.
Halos maluha-luha akong bumalik sa loob ng restroom, tinatakpan ko rin ang aking bibig upang walang magawang ingay. Bahagya naman akong nabuhayan nang makita ko na may isang bintana sa dulo. May pagkamataas ito pero sapat na para akayatin at magkasya ako lalo na't hindi naman ako gano'n kaliit.
Hinawakan ko na ang babang bahagi ng bintana at pwersahang binuhat ang aking sarili. Naangat ko naman ang aking katawan at marahang binuksan ang bintana.
Hindi sinasadya ay natamaan ng paa ko ang dingding ng isang cubicle na gawa sa makapal na kahoy kaya walang anu-ano'y naglikha ito ng napakalakas na kalabog.
Sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig ko lalo na no'ng marinig ko ang ilang yabag na papunta sa lokasyon ko. Kailangan ko nang magmadali!
Inilusot ko na ang ulo ko at mabilis na sinunod ang aking balikat. Magpapatihulog na sana ako sa damo ng maramdamang may humawak ng paa ko at pilit na hinihila ako papasok.
"At saan ka pupunta?!" wika niya kasabay ang pagkilala ko ng kanyang boses.
Aira
Mabilis kong kinuha 'yung papel na nakalagay sa ilalim ng mouse. As expected, may nakalakip na sulat doon sa pad.
"Note: this is the third and the last part." mahinang anunsiyo ko at napahinga ng malalim. Sa wakas matatapos na.
Tinignan ko ang kasunod ng note na 'yon at saka muli itong binasa.
Puzzle #5
Blooms to cline,
Full of vine,
Where am I?
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang nag-text na naman 'yung number na nag-text din sa akin kanina.
From: Unknown
I just want to remind you na nasa akin na ang ikalawang libro, at condolence nga pala sa mga lampa mong kaibigan. :)
Bigla na lamang nanlambot ang aking tuhod nang mabasa ko 'yung text.
It's all my fault, dapat pala hindi ako nagpadala sa sarili kong kuryusidad. The killer set up us, once again.